OD 30

1.7K 61 4
                                    


Kinuha ni Prison ang kulay puting tela na nasa ibabaw ng isang vanity. Malalaking hakbang na nagtungo sa akin si at mabilis na itinaklob sa aking mga tuhod na ngayon ay puno na nang dugo.

"Babakilan kita, wait me okay?"tumaas ang kamay nito sa aking buhok at marahang ginulo 'yon.

Lagi nito iyong ginagawa kapag may sakit man ako o kapag mangangako.

Marahan akong tumango dito, tumayo ito at may kinuha sa likuran, nakita ko ang kinuha nito. Ang aking dual vector kris.

Ibinigay nito sa akin ang baril.

"Paputukan mo kung sino man ang magbubukas ng pintuan okay?"

Tumango ako dito at sumagot.

Isang beses pa nitong ginulo ang aking buhok bago naglakad na palabas.

Inilibot ko ang aking paningin, wala ang nga Montividad siguro ay nakatunog, at katulad nang laging ginagawa ni Prison ay umakyat lang din ito sa kung saan.

Itinutok ko ang aking baril sa pintuan ng makita kong unti-unting gumagalaw ang doorknob non.

Hanggang sa bumukas ang pintuan ay mabilis ko lang din na ibinaba ang aking baril dahil sa taong pumasok sa loob.

Tila gulat din ito ng nakita nito na nakatutok dito ang baril. Mabilis nitong iginala ang paningin sa akin katulad ng reaksyon kanina ni Prison ay magkapareho lang din ang naging reaksyon nito.

Mabilis itong lumapit sa akin at agad na inalis ang telang puti na nasa aking tuhod na naka taklob.

"What the hell?"Mahinang usal nito ng makita ang aking tuhod.

"Okay lang ako."Pagpapalubag loob ko dito.

Tumingin ito sa akin, kita ko sa mga mata nito ang pagsisisi.

"No, kung hindi sana kita hinayaan ay hindi mangyayari ito, kung sana ay sabay tayong pumasok ay hindi ganito."Mahinang sambit nito.

Pagod akong ngumiti dahil sa sinabi nito.

"Walang may kasalanan, kasalanan ko kung bakit nila ako nahuli."Ngumiti ako dito para hindi ito mag-aalala.

Umiling ito, ngunit hindi nagsalita.

"Dadalhin kita sa sasakyan, nandidito na sila Nico at wala na rin bantay sa ibaba."Marahan ako nitong unti-unting binuhat.

Hindi ko mapigilan ang mapadaing dahil sa sakit sa tuwing tuma-tama o nasasanggi ng kung ano.

Kahit na konting ground ay sumasakit ang tuhod ko.

Nang mabuhat ako nito ay marahan itong naglakad patungo sa pintuan, hindi ko maiwasang hindi kabahan sa kaisipan na biglang may sumulpot sa kung saan.

Nasa unang palapag na kami ng mansion ngunit wala akong nakikitang ni isang mga tauhan ng Montividad.

"Nasaan na ang mga tauhan ng Montividad?"Tanong ko kay Adriel.

I heard him chuckle.

"Nandad'yan lang sila, ilibot mo lang yung paningin mo."

Dahil sa sinabi nito, inilibot ko ang aking paningin at doon sa isang sulok ay may nakita akong mga pinagpatong patong na mga wala ng buhay na tauhan ng Montividad.

"Nilagay ko sila d'yan, ayoko ng may sagabal sa mga dinaraanan ko."

Hindi nalang ako umimik hanggang sa makarating kami sa aking sasakyan. Binuksan nito ang pintuan doon at marahan na inilagay ako nito sa backseat.

Malakas ulit akong napadaing ng hawakan ni Adriel ang aking tuhod at maingat na itinaas iyon.

Nakasandal ako ngayon sa isang pintuan dahil iba ang upo ko, ang aking paa ay nasa upuan din.

Upang hindi lalong masaktan.

Naramdaman kong pinaandar na nito ang makina ng sasakyan, laking pasasalamat ko nalang dahil hindi lubak ang dinadaanan namin kung hindi ay kanina pa ako sigaw nang sigaw dito.

Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa pagod at sakit na nararamdaman. Ngayon ay hindi ko na alam kung anong kapaguran ang nararamdaman ko.

Hindi ko binuksan ang aking mga mata ng marinig ko ang pagtunog ng isang cellphone na alam kong kay Adriel dahil ang ringtone nito ay iba.

"What? Anong nakatakas!?"

Dahil sa gulat at lakas ng tanong na iyon ni Adriel ay agad kong iminulat ang aking mga mata.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito, sinong nakatakas? May ediya ako ngunit inalis ko iyon sa aking isip.

"Oh, goodluck to them, alam kong hindi sila sasantuhin ni Prison."

Dahil sa binanggit nito ang pangalan ng aking pinsan ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng kapanatagan.

Prison is not saint when it's comes to this kind of situation. Wala itong sinasanto at inuurungan. Hindi magandang makalaban mo si Prison dahil once na nakipag laro ka sakanya ay para ka lang din naglaro ng taya-tayaan na buhay ang kapalit.

Walang patawad kung pumatay si Prison. Hindi mo s'ya gustong kakaharapin.

Pero isang tao lang ang nakakapag paamo dito ngunit nilayasan naman siya.

Iminulat kong saglit ang aking mga mata, nakita kong nasa road way na kami ngayon patungo sa hospital.

"Babe, I can't come—I know...pero A naman!"

Hindi ko mapigilan ang napangiti dahil sa kaunderan ni Adriel kay Avian.

Napaismid din ako dahil sa naalala kong ganun nga din pala ako kay Grezen.

Damn! I missed my baby now.

"No way! Babe—Sinamahan ko lang si Soriano—How can you do this to me!? I-in w-what? No way! Fine fine! Basta hindi sa sala? What! Dadalhin ko nga si Soriano sa hospital!"

Gusto kong hindi makinig sa usapan ng dalawang ito pero sa uri ng boses ni Adriel mukhang hindi ako makakapag pahinga.

Wala akong nagawa kung hindi ang mainggit sa pag-uusapan ng dalawa.

Tumingin ako kay Adriel, kita ko sa mukha nito ang inis sa kausap pero hindi nito magawang magalit.

Ngumuso ako dahil ganito ba talaga ang tama ng pag-ibig? Masyadong makamandag.

Pati ako na tuklaw.

Ang kamandag noon ay kinain lahat ng aking katinuan. Aaminin kong once na umalis ulit si Grezen sa akin ay hindi ko na alam kung saan ako pupulutin.

Mahal na mahal ko si Grezen, at hindi ko alam kung makakaahon ba ako doon.

Tsaka lang ako na tauhan ng tumigil ang sasakyan, nasa tapat na kami ngayon ng hospital.

Agad na bumaba si Adriel at nakita ko itong kumuha ng wheelchair at mabilis na nagtungo sa kabilang pintuan para buksan iyon.

Marahan ako nitong hinila patungo sa wheelchair na nakaharap sa gawi ko. Ngumuwi ako dahil sa nararamdaman na sakit, hanggang sa tuluyan na ako nitong mailagay sa wheelchair.

Mabilis nitong isinarado ang pintuan ng sasakyan bago ito pumunta sa likuran ko at itinulak ang wheelchair. Hanggang sa makarating kami sa loob ng hospital ang mga mata ng pasyente, doctor, at nurse ay nasa aming gawi na.

OVERDOSE (BXB 3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon