I'm so damn frustrated! Fudge! I'm not usually like this pero naiinis ako. Naiinis ako sa mga nangyayari, kay Jed, at sa arili ko. Sino ba naman kasing matutuwa? Pagkatapos ng araw na yun bigla n lang syang nawala na parang bula. Walang text, walang tawag, walang kahit ano para magparamdam man lang sa akin na buhay pa sya. Pakiramdam ko naiwanan ako sa ere at hindi ko na naman alam kung anong dapat kong gawin.
Masyado na kong naapektuhan. Pati yung pang araw-araw na buhay ko apektado na rin. Nagiging iritable ako kakaisip kay Jed at sa mga nangyari. Nadedepress ako kapag naiisip ko na baka hindi na sya magpakita sa akin. Halos hindi ko na makikilala ang sarili ko. Hindi ko maalis sa isip ko na baka pagkatapos nung nangyari iiwan nya na ko gaya ng ibang lalaki na kapag nakuha na ang gusto nila sa babae iniiwan na nila ng walang pasabi. Pero hindi naman ganun si Jed. Hindi nya gagawin yun. Pero wala talaga akong ibang maisip na ibang dahilan kung bakit bigla na lang syang hindi magpaparamdam sa akin.
Sa bawat araw na hindi sya nagpaparamdam para akong pinagsasakluban ng langit at lupa. Mas lalo kong naiisip na pagkakamali ang ginawa kong papayag sa kanya.
Naiiyak ako sa tuwing maiisip ko na tama nga ang hinala ko kaya in-aavoid ko talaga na sumagi sa isip ko yun pero kasi hindi ko mapigilan. Kaya ang dalas kong maiyak. Naiinis pa ko sa sarili ko kasi ang dalas kong maaway yung mga kaibigan ko. Onting kibot lang nila naiirita ko kaya natatarayan ko sila, na hindi ko naman nagawa kahit kailan--ngayon lang. Sobrang bitch na nga ang tingin ko sa sarili ko. Naawa din ako sa mga kaibigan ko pero nagpapasalamat din ako sa kanila kasi pilit nila akong iniintindi.
Napapabuntong hininga ako sa tuwing naiisip ko yun kaya napagdesisyunan ko na na tapusin na lahat ng iniintindi ko. Nagpunta ako sa building nila Jed para makipagkita sa kanya. Hindi ko alam kung nabasa ba nya yung text ko na pupunta ako sa kanya kasi hindi naman sya sumagot pero bahala na. Kailangan kong gawin to kasi onti na lang mawawala na ko sa katinuan, onti na lang mababaliw na ko kakaisip sa kanya tsaka hindi ko na din kaya yung mga pagtataray ko sa mga kaibigan ko. Pakiramdam ko napakasama kong tao.
Ano kayang magiging reaksyon ni Jed? Paano kung magalit sya kasi nagpunta ako sa kanya. Pero kasi hindi naman sya gumagawa ng paraan para makausap ako o makita ako kaya ako na lang ang gumawa nun. Sa totoo lang natatakot ako, paano kung ipagtabuyan nya ko? Hindi ko alam kung kakayanin ko yun. Pero kahit na natatakot ako kailangan ko pa ding harapin to, kailangan para matahimik na din ako. Kung may problema man pipilitin ko na maayos namin to. Wag lng magpatuloy to kasi baka mabaliw na talaga ako kakaisip.
Napaangat ko ng tingin nang mahagip ng mata ko si Jed., kasama nya ang mga kaibigan nyang masayang nagtatawanan. Halata ang pagkairita sa mukha ni Jed pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang sobra nyang pagkakadikit kay Anna--ang nanalong Miss Engineering nitong nakakaraan lang. Nakita kong bumulong si Marco kay Jed habang nakatingin sakin, siguro para sabihin kay Jed na nandun ako kasi nag-ngat ito ng tingin at nakita ako.
Ngumiti ako sa kanya ng alanganin pero imbis na ngitian nya ko, kinunutan nya ko ng noo. Parang iritang-irita sya na nandito ako kaya mas lalo akong pinanghinaan ng loob, "Oh bakit? Anong ginagawa mo dito? May problema ba kaya napunta ka dito?" mapait na sabi nya.
Natameme ako. Para akong nawalan ng boses at hindi ko na naman alam ang sasabihin ko. Parang hindi ko sya kayang harapin, natatakot ako. Pero dahil nandun na ko kailangan ko na syang harapin. Mas mabuti na to para matapos na ang mga iniisip ko, "Kasi ano Jed... Kasi hindi mo ko kinocontact kaya nag-aalala ako."
BINABASA MO ANG
Innocent's Mistake: I got pregnant
Любовные романыElize Montemayor has been in love with Jared Villaflor ever since she has heard of his name. Thing is, Jared is too out of her league and taking notice of her is next to impossible. That's why everything came as a shock when Jared approached Elize o...