"Seryoso ba yan Ash? Di nga?"
"Oo nga, luka nito ayaw talaga maniwala?"
Tinignan ko sya na para bang hindi talaga ako na naniniwala sa sinasabi nya.
Nag-uusap kasi kami ni Ash via Skype kaya nakikita nya ko at nakikita ko rin sya.
"Gaga ka talaga girl! Ikakasal na nga ako. Bahala ka kung ayaw mong maniwala basta umuwi ka dito sa Pilipinas hindi pwedeng hindi ka pumunta dito."
"Oo na, sige na. Kelan ba yan?" kunyaring napipilitan na sabi ko.
"Actually kasi, alam mo naman si Harvey dead na dead sa beauty ko kaya sobrang minamadali nya ang wedding preparations. Gustong-gusto na yata akong maging Mrs. Franciso kaya baka next month na yung wedding baka may mang-agaw pa daw kasi sa akin." sabi nya na patuloy ang papuri sa sarili.
"Agad-agad? Eh parang kelan lang nung tinawagan mo ko, sabi mo war kayo dahil gusto nya ng sabihin sa press na girlfriend ka nya tapos ngayon kasal agad? Tsaka anong mang-agaw? Sabihin mo sa kanya wag syang mag-alala dahil sya lang ang lalaking nagkamali at magkakamali sayo." Biro ko kay Ashley.
"Well alam mo naman ang beauty ko girl, notorious."
"Oo talagang notorious, as in." sarcastic na sabi ko.
"Ikaw naman. Bitter pa din?" pag-iiba nya ng usapan.
"Gaga! Hindi no!"
"Weh talaga?" pambabara nya.
"Oo kaya!"
"Eh bakit defensive?"
"Hindi ah!" high-pitch na sabi ko.
"Ikaw kanina ka pa ume-exclaim dyan. O sya sige, kamusta na pala kayo ni papa Jed?"
"Papa Jed? Ikaw Ash parang dati galit na galit ka kay Jed bakit ngayon parang okay na okay na sya sayo?" takang tanong ko. Weird kasi talaga.
"Alam mo kasi girl, matagal na yun. Lahat tayo dapat magmove-on na kasi wala naman na tayong pwedeng gawin dun. Mapapagod lang tayong magalit at mainis, mapapagod din tayong matakot na baka maulit lang yun. What happened can never be changed, forgotten, edited, nor erased, it can only be accepted, girl. Kaya tanggapin na lang natin yung nangyari. Malay mo naman Jed has learned his lesson, diba?" litanya nya
BINABASA MO ANG
Innocent's Mistake: I got pregnant
RomanceElize Montemayor has been in love with Jared Villaflor ever since she has heard of his name. Thing is, Jared is too out of her league and taking notice of her is next to impossible. That's why everything came as a shock when Jared approached Elize o...