1:>>

185K 2.1K 198
                                        

"Oh? Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko sa kanya nung napatingin ako sa kanya tapos nakita ko kasi syang titig na titig sakin. Ang saya-saya ng mukha nya na parang hindi sya makapaniwala na nangyayari to.

Sa totoo lang, hindi ko din alam kung anong nangyari. Ang alam ko lang magkausap kami ni Ashley nung nakaraan sa taas ng building habang nakatanaw ako kay Jed tapos nung natapos yung klase pumunta ako sa org tapos nandun si Jed. Linapitan nya ko, kinausap, kinuha yung number--na sobrang willing ko naman na binigay--, tapos lagi nya na kong tinetext tsaka tinatawagan. Nagkikita din kami kapag vacant time naming dalawa tsaka lumalabas kami kapag available kami. Hinahatid nya din ako minsan kapag pwede sya. Tapos hindi ko na alam. Basta ngiting-ngiti ako ngayon dito sa rooftop ng bahay nya at kung pwede lang na magtatalon dito ginawa ko na dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko. Kaso nakakahiya naman kay Jed baka maturn-off to sakin. Kaya ngiti na lang ako ng malaki habang nilalanghap ko yung preskong hangin na nandito at pinagmamasdan ko yung sobrang nakakamatay na view dahil sa ganda. Ang ganda kasi pala talaga dito para kang nasa ibang mundo para tuloy akong bata na hindi mapalagay. Ganito din yata ako nung dinala ako ni mommy dati sa Disneyland, hindi ko ma-contain yung nararamdaman ko.

Nakatingin pa din ako sa kanya habang may malaking question mark sa mukha ko kung bakit sya nakatingin sakin ng ganun pero parang wala lang naman sa kanya yun. Hindi nga man lang sya nagulat sa tanong ko. Mukhang in-eexpect nya na na mangyayari yun. Kanina pa sya nakatingin sa akin pero hanggang ngayon na katingin pa din sya parang wala talaga syang pakialam kung mahuli ko sya. Nakangiti pa nga sya sakin nung mapatingin ako sa kanya. 

"Wala naman. Naisip ko lang kung paano nangyare na kasama kita ngayon. I mean, dati hanggang sulyap at tanaw lang ako sayo pero ngayon nasa tabi na kita." nakangiting sabi nya. Magsasalita sana ako kaso naunahan nya ko," Posible ba Elize na mahulog ka sa kagaya ko. Alam mo yun? Sobrang layo mo kasi sakin. Pakiramdam ko panaginip lang lahat to, na lahat ng to pwedeng mawala sa isang kurap lang kaya minsan natatakot akong pumikit baka kasi pag dilat ko tapos na lahat ng to. Ang tagal na kasi kitang gusto pero ni minsan hindi ako nagkalakas ng loob na lumapit sayo kasi natatakot ako. Masyado ka kasing malayo para maabot ko eh. You're too perfect for me, too out of my league. Maganda ka, matalino, mabait, lahat na yata ng gusto ng lahat ng lalaki nasayo at hindi ko alam kung paano ako makikipagkumpetensya sa mga lalaking yun. Ang tagal ko ng gustong lumapit sayo, dati sabi ko kahit makalapit lang ako sayo okay na ko. Pero nung nakalapit ako ayaw na kitang mawala. Gusto ko akin ka na lang, sa tabi na lang kita. Masyadong bang imposible yun? Kung hidni pwede bang pagbigyan mo ko? Pwede bang akin ka na lang? Kasi mahal na yata kasi talaga kita."

Hindi ako makapagsalita. Sa totoo lang kasi hindi ko alam kung paano ako mag-rereact. Hello? Jared to oh! Jared Villaflor! Yung pinapangarap ng lahat ng kababaihan na nakakakilala sa kanya at sinasabi ko sa inyo marami sila, ay kami pala! Haha! Imagine? Ni sa panaginip ko nga hindi ko naimagine na mangyayari to tapos ngayon nangyayare? Oo, pangarap ko sya pero hindi naman umabot sa ganitong punto yung mga panaginip ko. Masyado ng ilusyunado yun. Pero eto oh, nangyayari na. Shemay! Ano bang dapat gawin sa mga ganitong pagkakataon tsaka ano bang dapat sabihin? Wala kasi talaga kong maisip.

Sa totoo lang matagal ko ng gusto si Jed. Simula pa lang yata nung narinig ko yung pangalan nya kinilabutan na ang puso ko lalo na nung nakita ko ang gwapo nyang pagmumukha. Dyusme! Para akong mangingisay sa kilig nun. Ang gwapo, sobra! Simula yata nunhindi na sya nawala sa isip ko at lagi ko na syang tinatanaw kahit saan sya magpunta dun din kami tumatambay ni Ashley. Kaso kahit minsan ni hindi ko naman sya nakitang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko nga ni hindi nya alam na nag-eexist pala ako sa mundong ibabaw. Kaya sobrang hindi ako makapaniwala sa sinabi nya dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos wala na kong ginawa kung hindi ang titigan sya kapag free time ko. Kaso ni misan hindi man lang nya ko natapunan ng tingin, kahit yata nung nadapa ako dumiretso lang sya ng lakad at hindi nya ko pinansin. 

Innocent's Mistake: I got pregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon