Umiiyak na naman ako. Ano ba to? tila oras-oras na lang umiiyak ako. I want to shut myself from the world pero hindi pwede kasi kahit anong mangyari kailangan pa ding magpatuloy ng buhay ko. Hindi lang para sa akin pero para na rin sa magiging anak ko. Hindi naman kasi porket gumuho ang mundo ko hihinto na din sa pag-ikot to. I need to live and continue no matter what. Kahit ang sakit-sakit na.
Papunta na ako sa school, may pasok kasi kami at ayokong umabsent kahit na magang-maga ang mga mata ko at halos hinid ko na maidilat ang mga to. Matagal na din akong hindi nakakapasok onti na lang failure due to absences na ko at hindi pwede yun. Sabi ko nga dapat pa ding magpatuloy ang buhay ko gaya ng sinabi ni tita Anne na kailangan ko pa ding ipagpatuloy ang buhay ko at hindi daw dapat matapos ang buhay ko kay Jed. Dahil hinndi na lang ako ngayon, may baby na ko na dapat ko ding intindihin.
Bumaba ako ng jeep. Pagpasok ko sa school naramdam ko na agad yung kaba at takot na makita sya. Hindi pa ko handa na makita sya ulit pagkatapos ng mga nangyari. I crossed my fingers, hoping and praying not to see him.
Unfortunately, mukhang hindi ako nariig ni Lord dahil nakatambay sya walkway kung saan ako dumadaan, at ang masakit pa...kasama nya si Anna. Ayoko silang makita pero wala akong magawa kasi hindi naman ako bulag. Pero shet, para akong sinasaksak sa nakikita ko. Nakaupo sila sa waiting shed sa tapat ng Engineering building habang sweet na sweet na naghaharutan. Kung hindi lang magkatabi ang building namin hinding-hindi ako dadaan dito kaso wala naman akong magagawa kasi magkatabi talaga yung building namin. Nakatingin lang ako sa kanila habang tumutulo ang luha ko. Mukha akong tanga at ramdam ko ang mga matang nakatingin sakin. Nakakahiya, grabe! Napatingin sa akin si Jed pero hindi nya ako pinansin. Umakto syang parang hindi nya ako nakita kaya yumuko na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad/ Binilisan ko na lang umalis dun dahil para akong pinapatay sa bawat segundong nandun ako.
Pagpasok ko ng building namin para akong artista na pinagtitinginan ng mga tao dahil siguro sa itsura ko, mukhang zombie. Ikaw ba naman ang umiyak maghapon magdamag tapos wala ka pang tulog kakaisip tignan ko lang kung hindi ka din magmukhang zombie. Pero binalewala ko lang yung mga tingin nila. Dumiretso na ako sa classroom para makapagpahinga sa lahat ng kaguluhan na to. Umupo ako agad at yumuko. Ayokong may makapansin sakin, ayokong may kumausap sakin, gusto kong mapag-isa. Na imposibleng mangyari dahil nilapitan ako agad ni Ashley, bestfriend ko.
"Uy Elize, ano ng nangyari sayo? Napatingin ka na ba sa salamin ha? Nakita mo na ba ang itsura mo? /mahihiya ang mga zombie kapag nakita ka dahil kabog na kabog mo sila." She said trying to lighten up the gloomy mood, pero hindi ako kumibo kaya nag-iba na ang tono nya. Nag-aalala na yun ngayon, "Alam mo ba na sobra akong nag-alala sayo kasi ilang beses na kitang kinocontact pero hindi ka naman sumasagot. Alam mo ba kinontact ko pa si Tita Anne pero sabi nya gusto mo daw mapag-isa." lungkot na lungkot sya, "Girl naman, wag ka namang ganun. Don't shut yourself from me. Nandito lang ako, alam mo naman yun diba? Pero bakit ka ganun? Parang nakalimutan mong nandito ako para sayo?"
Pinilit kong ngumiti pero naiyak lang ako lalo. Bumalik na naman kasi lahat ng sakit. Naalala ko na naman kasi yung mga nangyari. Kasabay nun narealize ko kung gaano ko nakalimutan si Ashley, naging makasarili ako at sarili ko lang ang iniisip ko. Nakalimutan ko na nandyan nga pala sya at nag-aalala para sakin.
Namiss ko si Ashley, isa sya sa mga taong nagmamahal sa akin at hinding-hindi ako iiwan kaya sobrang nagi-guilty ako na nakalimutan ko sya sa sobrang pag-iisip ko kay Jed. Nakakainis na sa sobrang pag-iisip ko kay Jed nakalimutan ko ang mga taong nagpapahalaga at nagmamahal sa akin.
Napayakap ako sa kanya, "Ashley... I'm sorry. Sorry kasi nakalimutan kong nadyan ka para sakin. Nakalimutan ko na hindi ako nag-iisa masyado kasi akong kinain ng mga problema at nagpadaig ako sa mga yun kesa sa inyo. Sorry." Sabi ko habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
Innocent's Mistake: I got pregnant
RomanceElize Montemayor has been in love with Jared Villaflor ever since she has heard of his name. Thing is, Jared is too out of her league and taking notice of her is next to impossible. That's why everything came as a shock when Jared approached Elize o...