treinta y cuatro:

77.4K 983 24
                                    

Kaya ko ba? Yan ang tanong na kanina pa bumabagabag sa akin simula ng matapos ang pag-uusap namin ng mommy ni Jed. Sinubukan kong humingi ng opinyon kay mama kung anong dapat kong gawin pero sabi nya lang na nasa akin daw ang desisyon. Alam ko na maraming sinakripisyo si mama para sumaya, iniwan nya ang Pilipinas at pumunta ng US kahit mahirap para sa stepdad ko. Ang tanong ko lang kung kaya ko din bang gawin iyon?

Hindi lang naman ang sarili ko ang iniisip ko. Tumira din naman ako sa Pilipinas kaya alam kong makakapag-adjust ako pero paano ang trabaho ko? Paano si Jar? Paano ang pag-aaral nya?

Paano sya makikipag-usap sa tao at paano sya makakahabol sa pag-aaral nya dito gayung hindi naman sya marunong magtagalog? Tama, may mga international school nga pala dito. Pero alam kong mahihirapan pa rin ang anak ko na mag-adjust dahil sa maraming bagay. Doon naman na kasi sya ipinanganak at lumaki sa US kaya hindi pwede na bigla na lang namin syang dalhin dito at sabihin na dito na kami titira.

"Elize, ano bang problema?"

"W-wala."

"Wala? Paanong wala? Hindi ka naman siguro mababalisa ng dahil sa wala."

Hindi ako makatingin kay Jed. Paano ko ba sasabihin to?

"Elize, sabihin mo naman oh. Ayoko na ganito tayo, ayoko na may problema tayo lalo na kung hindi ko naman alam kung ano iyon."

"J-Jed...'

"Please. Ayoko ng magkaroon tayo ng misunderstanding o ng miscommunication. Ayusin natin to, okay?"

Tumango ako.

"So ano ngang problema?"

"Nasabi kasi ng mommy mo yung tungkol sa paghahandle mo ng business."

"So?"

"Jed, alam natin na dapat mo ng itake over yung company matagal na pero hindi ginawa dahil sa akin."

"Hindi. Mali. Hindi yun dahil sayo."

Natigilan ako. Anong ibig nyang sabihin?

"Hindi yun dahil sayo. Hindi ko yun ginawa dahil sa sarili ko. Alam ko kasi na hindi ko yun mahahawakan ng maayos kung wala ka sa tabi ko. Nung time na yun ikaw ang priority ko at hindi ang company kaya babagsak lang yun kung ako ang hahawak. Isa pa ayoko pang umako ng responsibilidad kung hindi ko pa napapanagutan ang responsibilidad ko sayo."

Innocent's Mistake: I got pregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon