7:>>

109K 1.6K 82
                                    

Uncertainty. Yan ang nararamdaman ko ngayon habang hinihintay ko si Jed na dumating. Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay niya at hinihintay sya. HIndi ako makapasok kasi parang wala namang tao sa loob kaya naghintay na lang ako sa labas.

Sa totoo lang natatakot ako sa pwedeng maging reaksyon ni Jed sa ibabalita ko. Malaking parte kasi sa akin ang nagsasabi na hindi nya to matatanggap at iiwan nya ako kapag nalaman nya to. Pero hindi ako dapat na pangunahan ng takot. Dapat akong magtiwala na haharapin to ni Jed ng maayos gaya ng pagharap nya sa mga problema nya. Hindi nya ko tatakbuhan at haharapin nya ang resposibilidad nya. Dahil ganun si Jed, hindi sya tumatakas sa problema, hinaharap nya yun.

Pero bakit ganun? Kahit na anong kumbinsi ang gawin ko sa sarili ko na magiging maayos ang lahat may malaking parte pa din sa akin na hindi naniniwala?

Nabigla ako nung mag-ring yung cellphone ko pero agad ko din yung sinagot nung makabawi ako, "Oh Ashey bakit?" 

"Nasan ka?" Seryoso nyang tanong na ikinakunot ng noo ko. Anong problema nito at seryosong-seryoso to? Sa pagkakaalam ko kasi hindi nagiging seryoso si Ashley. Unless, hindi ko pa kilala ang bestfriend ko--na sobrang imposible. Dahil kahit yata pag-utot nito kabisado ko na.

"Nandito ako sa bahay ni Jed, hinihintay sya na dumating. Bakit?" Curious kong tanong.

"Break na ba kayo? Bakit ka nandyan?" I can hear the urgency in her voice and I don't know why.

Lalong napakunot ang noo ko sa sinabi nya, break? Bakit naman pumasok sa isip nya yun? "Uy gaga! Anung break ang pinagsasasabi mo dyan? Hindi no. We're happily together kaya tigil-tigilan mo yang break na yan. Bakit ba?"

"Kasi nandito sya sa bar ngayon kasama si Anna. At patayin mo ko ngayon, pero ang landi nila girl! Ang sarap pilipitin ng leeg. Mababasag na nga yung baso sa higpit ng hawak ko dahil sa sobrang pagpipigil ko na sugurin yang boyfriend mo. Naku Elize, pagsabihan mo yang boyfriend mo na wag syang makikipaglandian sa ibang babae sa harap ko kung hindi dudurugin ko ang balls nya hanggang sa mawala ang kinabukasan nya." Gigil na gigil na sabi nya at na-iimagine ko na kung gaano kawawa yung baso sa sobrang higpit ng hawak nya dun.

Alam kong wala sa bokabularyo ni Ashley ang magsugar coat o ang magsinungaling pero parang ayokong maniwala sa kanya ngayon. Baka lasing lang sya at namamali sya ng nakikita o baka namamali sya ng interpretation. Kasi imposible yung sinasabi nya. Oo, hindi nya diretang sinabi na naglalandian si Jed at si Anna pero alam ko na yun ang ini-imply nya sa mga sinabi. At ayokong maniwala dahil hindi posible yun. Hindi magagawa ni Jed sakin yun. 

Tumawa ako kahit na wala akong makitang nakakatawa, "Sira! Lasing ka na girl. Wala lang yan kaya wag mo ng intindihin. Ikaw talaga, ang malisyosa mo! Sino nga pa lang kasama mo? May maghahatid ba sayo pauwi? Baka malasing ka masyado tapos wala ka pa lang kasama para maghatid sayo, mapano ka pa." Pinilit kong ibahin ang usapan pero nung maalala ko si Ashley na nasa bar hindi ko napigilan na mag-alala. Baka kasi kung mapano yun. Di bale, dadaanan ko na lang sya pagkatapos kong kausapin si Jed kung sakaling wala ngang kasama si Ashley ngayon. Ayoko naman na mapahamak yun.

"Ay ewan! Ewan ko sayo Elize! Minsan gamit-gamitin mo din yung mga binigay sayo ni Lord ah? Sayang naman kasi. Kagaya nyan binigyan ka ng isip para mag-isip para makaisip hindi para magpakatanga, mata para makakita at hindi magpakabulag. Tenga para makarinig. Pakiramdam para makaramdam. Dyusme! Sinasayang mo eh. Gamit gamit din pag may time ha? Hindi na uso ang tanga kaya wag kang ganyan."

Innocent's Mistake: I got pregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon