2:>>

130K 1.7K 52
                                    

Lovers' Lane ang tamabayan ng mga, obviously, lovers. Kaya nandito kami ngayon, syempre lovers na kami ngayon. Yup! Official na official na. Tinanong nya ko kagabi pagakatapos nyang magluto habang kumakain kami kagabi kung girlfriend nya na ba ko at syempre umoo ako. Sino ba naman ako para tumanggi? Eh isang hamak na commoner lang ako sa isang prinsipeng kagaya ni Jed. Feeling ko nga kagabi ako si Cinderella at si Jed si Prince Charming. Ang haba lang ng hair ko. Haha!

"Masaya ka yata?" Nakangiting sabi nya sa akin. 

Nakasandal ako sa balikat ya habang nakatanaw ako sa iba pang mga lovers dito samantalang busy naman syang nagbabasa ng mga lessons nila, advance reading yata. Oh diba? Ang sipag-sipag ng baby Jed ko. Saan ka pa makakakita ngayon ng taong nag-aadvance reading? Wala na iba? Si Papa Jed na lang yata. Kaya nga ang swerte ko eh, kung hindi man sya mayaman secure na ang future ko sa kanya dahil may maganda syang academic performance at siguradong pag-aagawn sya ng mga malalaking companies. Pero actually mayaman ang pamilya ni Jed. May-ari ang pamliya ni Jed ng pinakamalaking engineering firm sa Pilipinas. Kaya para talaga syang leading mag na nakikita mo sa mga koreanovela--mayaman, gwapo, mabait, matalino, basta yung perpektong bida.

"UY!" Sanggi nya sa akin nung nagpatuloy lang ako sa pag-ngiti kasi naman nakakadistract lang talaga ang kaperpektuhan ng lalaking to. Kung di nga lang sya nagmamaterialize sa harap ko iisipin ko na kathang-isip lang sya pero eto oh, may pruweba kaya sure na totoo talaga si Jed. "Bakit nga?" takang tanong nya.

"HA? Ah wala. Naisip ko lang na akin ka na nga talaga. Boyfriend na talaga kita akala ko kasi sa panaginip ko lang yun pwedeng mangyari sa totoong buhay din pala. First official day kaya natin as a couple." 

Ngumiti sya, yung sobrang gwapong ngiti nakakalagag ng underwear. Buti na lang nasanay na ko na tinatali yung underwear ko dahil feeling ko lagi na lang malalaglag yun kapag kasama ko si Jed kung hindi baka nalaglag na to. "Ipapakilala nga pala kita sa mga kaibigan ko. Gusto kong makilala nila yung babaeng nakakapagpasaya sakin araw-araw."

"H-ha?" Alam kong nakakakilig yung sibnabi nya at alam kong dapat matuwa ako pero nakakatameme kasi. Hindi ko inakala na ipapakilala nya ko sa mga kaibigan nya kasi syempre kaibigan nya yun eh. Yun yung mga sobrang cool na taong nakakasama nya araw-araw. Sila yung mga sikat tapos ipapakilala sa isang commoner na kagaya ko.

"Oo. Syempre gusto kong magkakilala ang mga taong mahalaga sa akin. Gusto kong maging kumportable ka sa kanila at maging kaibigan mo din sila. I want to share everything I have wuth you. Wag kang mag-alala mababait sila." He said rassuringly.

Napabuntong hininga ako. Kung sana ganun lang kadali masyadong mataas ang mga kaibigan ni Jed. Si Jed lang na nag-iisa hirap na kong abutin yung 4 pa kaya na yun? Napatingin ako kay Jed at nakita ko sa mga mata nya kung gaano nya kagustong gawin to kaya, kahit ayaw ko, wala akong nagawa kung hindi tumango. I just can't say no to Jed.

Nakayuko lang ako habang iniisip yung mga pwedeng maging scenario kapag nagkita kami ng mga kaibigan ni Jed nang mag-ring yung cellphone nya na agad naman nyang sinagot. Hindi ko ugaling makinig sa usapan ng may usapan pero hindi ko maiwasan na makinig nang marinig ko kung sino ang kausap nya--ang mommy nya. Hindi naman siguro masama na ma-urious diba? Tsaka hindi naman ako nanggugulo. Isa pa, kung gusto ng privacy ni Jed dapat nag-excuse sya para lumayo diba para hindi ko marinig yung pag-uusapan nila per hindi naman yun ginawa ni Jed kaya okay lang sigurong makinig.

Innocent's Mistake: I got pregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon