"ANO?! Bakit naman ganun Elize? Eh sem break na sa isang araw ah? Akala ko ba after next sem itutuloy mo yung pag-aaral mo DITO. Anong nangyari? Bakit ganun?" paghihisterical ni Ashley sakin. Sinabi ko na kasi sa kanya ang pagpunta ko sa US para dun mag-aral at hindi ko pa alam kung kailan ako babalik. Kaya ayan inaaway ako ng lola mo.
"Eh kasi nga kinausap ako ni mama." pagdadahilan ko kahit hindi naman masyadong rational na dahil kinausap ako ni mama pupunta na ko sa kanya. Matagal na kasi akong pinipilit nun na pumunta dun pero paulit-ulit ko yung tinatanggihan kaya hindi convincing yung sagot ko.
"Dahil lang dun?" taas kilay nyang tanong.
"Ash naman, alam mo naman na hindi ko pa nakakasama ng matagal ang mommy ko kaya kahit papano gusto ko na makasama sya ngayon. Naiintindihan mo naman diba? Tsaka para na din to sa sarili ko at sa magiging baby ko. Aalis lang naman ako at hindi ibig sabihin nun kakalimutan ko na kayo. Kailanga ko lang talagang gain to para mabuo ko yung sarili ko. Intindihin mo naman."
"Oo na. Basta wag mo kong kakalimutan ah?" Malungkot na sabi nya.
"Syempre naman, ikaw pa ba ang kakalimutan ko? Magugunaw ang mundo kapag nangyari yun." nakangiting sabi ko.
Ngumiti sya ng pilit pero halata pa rin ang lungkot sa mukha nya. Ganyan talaga si Ashley, kahit malungkot sya pipilitin nyang ngumiti wag ka lang mag-alala. Alam kong malungkot sya kaya nga sobra akong nag-isip bago ko tinanggap yung offer ni mama kasi alam ko na ganito ang magiging reaksyon nya. Pero alam ko din naman na hindi selfish na tao si Ashley at maiintindihan nya kung bakit ko pinili ang desisyon na yun--dahil yun ang makakabuti para sakin. Mahal ko ang mga kaibigan ko pero hindi naman siguro masama kung mamahalin ko din kahit onti ang sarili ko.
Niyakap nya ako ng sobrang higpit, "Mamimiss kita girl."
"Ako din, mamimiss kita ng bonggang-bongga. Alam mo naman na mahal kita, diba?"
"Alam ko, mahal din naman kita ah?"
"Talaga?" kunyaring di naniniwalang sabi ko.
"Oo, gaga!"
"Sige nga. Grant my request Ash before I leave."
"Request?"
"Make yourself happy Ash. Give Harvey and you a chance, that's my request."
Halatang hindi inaasahan ni Ashley ang sinabi ko at halata sa mukha nya na naguguluhan sya. Napangiti ako masyado ngang out of the blue yung request na yun kasi sobrang seryoso ng usapan namin tungkol sa pag-alis ko. Pero kasi iyon tallaga ang gusto ko bago ako umalis, at least kahit papano mababawasan ang guilt na nararamdaman ko dahil sa mga maiiwan kong hanging business dito. Gusto ko kahit papano ma-accomplish ko yung promise ko kay Harvey na tutulungan ko sila ni Ashley.
Gulat pa din ang itsura ni Ashley at hindi pa din sya nagsasalita kaya nagpatuloy na ko, "Alam naman nating dalawa na matagal mo ng gusto si Harvey pero lumalayo ka sa kanya dahil sa akin--na hindi mo naman kailanganng gawin kasi baleala lang lahat ng efforts mo na gawin yun. Akala mo siguro magiging masaya ako sa ginagawa moAsh, pero hindi paano ako magiging masaya kung alam kong nasasaktan ka? I will never be happy seeing you hurt."I smiled sadly, "Isa pa hindi ako ang gusto ni Harvey."
BINABASA MO ANG
Innocent's Mistake: I got pregnant
RomanceElize Montemayor has been in love with Jared Villaflor ever since she has heard of his name. Thing is, Jared is too out of her league and taking notice of her is next to impossible. That's why everything came as a shock when Jared approached Elize o...