"J-Jed..." mahinang sabi ko habang dahan-dahan kong inaalis ang kamay nyang nakapulupot sakin.
Pero parang wala syang narinig, "Bakit ganun Elize? Nababaliw na ba ako kasi nasa tabi lang kita pero ikaw pa din ang iniisip ko. Nasa tabi lang kita pero pakiramdam ko ang layo-layo mo sakin."
Hindi na ko makapagsalita, ni hindi na ko makagalaw. Para akong naestatwa sa mga naririnig ko. Punong-puno ng emosyon ang boses ni Jed, parang syang sobrang nasasaktan at sobrang nalulungkot. At hindi ko maiwasan na pati ako masaktan, kahit hindi ko naman nakikita ang mukha nyapakiramdam ko nakikita ko kung gaano kalungkot ang mga mata nya. Bakit naapaektuhan ako? Bakit ako nasasaktan sa emosyon na ipinaparamdam nya? Bakit ayoko na maramdaman na nasasaktan sya? Bakit parang walang nagbago kahit na 5 taon na ang lumipas?
"Elize why does it feel like there is a wall between us and because of that wall you feel very distant no matter how close you are to me. Can't you break that wall? So I can at least come close to you. Please let me in. I'm begging you. I've been trying to come to you and break your wall but, you won't even budge. Your so cold, as if the Elize I once knew was gone."
Ayoko na! Ayoko ng marinig ang mga bagay na to. Nasasaktan ako. Nalilito ako. Naiiyak na ako sa lahat ng mg naririnig ko. Sinubukan kong umalis sa pagkakayakap ni Jed pero nabigo na naman ako dahil sa tuwing susubukan kong umalis sa yakap nya mas hinihigpitan nya lang ito.
"Jed ano ba?!"
"No Elize, makinig ka." Nagmamakaawa ang boses nya
"AYOKO! Ayoko ng makinig sayo. Ano bang pinagsasasabi mo? Ginugulo mo lang ang utak ko! BItiwan mo ko." Pilit ko syang tinulak pero hindi nya ko binitiwan.
"E-Elize...." His voice is shaking.
Tinakpan ko ang tenga ko gamit ang mga kamay na pinantutulak ko kanina. Ayoko na, hindi ko na kayang makinig sa kanya. Hindi ko na kayang marinig ang ganitong boses ni Jed, nasasaktan ako.... naiiyak ako...
"Jed..... Why are doing this? Tama na please. Nasasaktan na ko. Kung yun na naman ang gusto mo pwes nagawa mo na, nasasaktan mo na naman ako kaya tama na please... Bakit ba aliw na aliw kang makita akong nasasaktan? Tinatanong mo kung bakit may pader sa pagitan natin? Simple lang, ayoko ng may makapasok kasi ayoko ng masaktan. Ayoko na! Pagod na ko... Kasi simua nang nakilala kita lagi na lang akong nasasaktan. At ayoko na. Kaya please, tigilan mo na to!" Nagmamakaawang sabi ko dahil pakiramdam ko binubuksan na naman ang sugat na matagal ko ng pinilit takpan.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko and for the first time in a very long time I cried again, because of Jed AGAIN. Bakit ba ganun, basta si Jed lagi na lang akong umiiyak? Ayoko na eh. Akala ko naubs na noon ang lahat ng luha ko dahil kay Jed pero hindi pa rin pala, kasi umiiyak na nama ako dahil sa kanya.
Humikbi si Jed kasabay ng pagluwag ng yakap nya sa akin at sinamantala ko yun para umalis sa yakap nya. Tapos tumakbo ako papasok sa loob ng bahay. Ayoko na, hindi ko na matatagalan pa doon!
Dumiretso ako sa kwarto ko at doon ko binuhos lahat ng nararamdaman ko kasama ng realisasyon na dapat na kong lumayo kay Jed dahil hindi na maganda ang mga nangyayari.
Nagising ako kinabukasan na mugto ang mata kaya lumabas ako ng kwarto para kumuha ng yelo, ayokong pumasok sa opisina na namamaga ang mata no!
"Mommy!!!" Masiglang bati ng anak ko pagkakita nya sakin.
Ngumiti ako sa kanya at idinipa ang mga kamay ko, tanda na gusto ko syang yakapin tapos tumakbo sya palapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. Right! Eto lang naman ang kailangan ko para mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko--ang yakap ng anak ko.
BINABASA MO ANG
Innocent's Mistake: I got pregnant
RomansaElize Montemayor has been in love with Jared Villaflor ever since she has heard of his name. Thing is, Jared is too out of her league and taking notice of her is next to impossible. That's why everything came as a shock when Jared approached Elize o...