Para sa first person na nagcomment iloveyou ♥
----------------------------------------
Hinawakan ni Harvey yung kamay ko tsaka kami naglakad paalis at palayo kay Jed. Hindi ko na nakita kung anong naing reaksyon ni Jed pero ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang nakakapaso nyang titig.
Habang naglalakad kami halos lahat ng mga mata nakatuon samin ni Harvey kaya siguradong kami na naman ang magiging usap-usapan nito. Nahihiya na nga ako kay Harvey kasi pati sya nadadamay sa mga kaguluhan ng buhay ko kahit na hindi naman dapat. Natatakot din ako kasi baka magkaroon ng issue si Harvey at makarating sa media dahil sakin pero nung sinabi ko naman yun sa kanya, okay lang naman daw.
Hinatid lang ako ni Harvey tapos umalis din sya agad kasi may klase pa raw sya, nahiya tuloy ako feeling ko nakaabala ako. Pero sabi naman nya okay lang daw kasi late naman daw dumadating yung prof nila. Pero nakakahiya pa din, inuna nya pa ko kesa sa sa kanya. Pagpasok na pagpasok ko naman sinalubong ako agad ng isang naghihimutok na Ashley, "Uy girl, wala daw prof. Sheeet! Badtrip, ang aga-aga kong gumising tapos wala sya?! Dapat kahapon pa lang o kaya kanina bago ako pumasok nagsabi na sya para di na ko nag-effort na pumasok. Leche!"
Napailing na lang ako, "Hayaan mo na Ash, nandito ka na eh. Wala ka ng magagawa kahit awayin mo pa si dean."
Natigilan sya at nanlaki ang mga mata na parang may naaalala, "Ay oo nga pala speaking of the dean, pinapapunta ka sa office nun."
Napakunot ang noo ko, "Bakit daw?"
"Malay." kibit balikat nya, "Pero siguro tungkol yun sa pregnancy mo, alam mo naman ang policy diba? Pinapag-drop yung mga nabuntis tapos pagnanganak tsaka lang pwedeng magpatuloy ng pag-aaral."
"Oo nga pala." Nakalimutan ko na ang tungkol sa policy na yun, nawala na sa isip ko na kailangan ko nga palang mag-drop.
"So...anong plano mo?"
"Tatapusin ko lang siguro tong sem, tutal 2 months na lang naman ia-allow pa naman siguro nila yun kasi di pa naman masyadong malaki yung tyan ko."
"Sabagay... Pero Elize, hindi ka pa ba nakakaramdam ng mga sintomas nyan? Balita ko ang hirap daw magbuntis."
Napangiti ako at napahawak sa tyan ko. Magkakababy na ko, kahit bata pa ko masya pa din ako at handa ko ng tanggapin yung responsibilidad na yun. Kung sana handa din ang daddy nito na tanggapin ang responsibilidad. Napailing ako sa isipin na yun. Tama na, dapat hindi ko na iniisip yun.
"Hay naku Elize, ano na namang iniisip mo? Ang ganda-ganda ng ngiti mo kanina tapos ngayon tila ka nalipasan ng araw." taas kilay na tanong nya.
"W-wala." pagsisinungaling ko.
"Hay naku, bahala ka." Sabi nya ng may pagsuko.
I felt guilty dahil nagsinungaling na naman ako pero at the same time napangiti rin ako dahil kilalang-kilala na ko ni Ashley, alam na alam nya kung kailan dapat i-push ang mga bagay-bagay.
BINABASA MO ANG
Innocent's Mistake: I got pregnant
RomanceElize Montemayor has been in love with Jared Villaflor ever since she has heard of his name. Thing is, Jared is too out of her league and taking notice of her is next to impossible. That's why everything came as a shock when Jared approached Elize o...