Innocent's Mistake:

252K 2.7K 67
                                    

"Hay naku Elize! Jared na naman?! Tigil-tigilan mo na yan, wala kang mapapala dyan." Bulyaw sakin ni Ashley. 

Nakatulala na naman kasi ako sa kagwapuhan ni Jed--oo, Jed. Close kasi kami kaya Jed ang tawag ko sa kanya pero ako lang ang nakakaalam. Kahit kasi sya hindi nya alam. Ni hindi nga yata alam ni papa Jed na nag-eexist ang isang Elize Montemayor sa mundong to, pero okay lang basta ako alam ko na nag-eexist sya. At sya ang sunshine na nagbibigay ng liwanag sa buhay ko. Korni ba? Yaan nyo na inlove ang lola mo eh. 

Napatingin ako kay Ashley na wala ng ginawa kung hindi bulyawan ako  dahil sa pagpapatansya kay Jed. Mukhang ayaw kasi yata talaga nya sa idea na nababaliw ako kay Jed pero hayaan mo na sya matanda na yan kaya nalipasan na ng pag-ibig. Haha. Secret lang yun ah? Wala kasi talagang sweet bones yan kahit na tuldok sa katawan. Pero kahit na ganyan yan proud naman ako na bestfriend ko yan. Labs na labs ko kaya yan.

Nakatingin lang sya sa librong hawak nya habang iiling-ilig. Halata sa mukha na di talaga sya aprubado sa ginagawa ko. Yaan nyo na ganyan lang talaga yan lola na nga kasi. 

Bumalik na lang ako sa pagtingin kay Jed. Dyusmiyo kahit hindi na ko mag-lunch okay na ko. Tignan ko pa lang ang gwapong mukha ni papa Jed nakakabusog na kaya di ko na kailangan ng pagkain baka maimpatso na ko.

"Elize!" Sigaw ni Ashley sakin nung napansin nya na wala akong balak tumigil. 

Agad naman akong napalingon sa kanya. Nagger pa naman to! Minsan nga hindi ko alam kung ano ko si Ashley minsan kasi para syang nanay ko, madalas para syang lola ko, bihira syang maging bestfriend ko kaya nakakalito. Leche!

"Ano ba kasi yun?" parang batang inis na inis na sabi ko. Kasi naman ang laking sagabal sa buhay ng babaeng to.

"Kumain ka na dahil malapit ng matapos yung break at tigil-tigilan mo na yang si Jared dahil wala ang mapapala dyan." parang nanay na sabi nya.

"Bakit naman?" nakangusong tanong ko.

"Tigil-tigilan mo na din yang pag-nguso mo dahil hindi mo ikinakacute yan." Matary na sabi nito.

"Ang mean mo talaga! Hindi ko na tuloy maintindihan kung paano kita naging bestfriend samantalang sobrang bait ko."

"Leche! Kung anu-ano na namang sinasabi mo. Kumain ka na nga." Iritang sabi nya.

"Hmmp!" sabi ko sabay hablot sa pagkain na binili nya para sakin.

"Ayan! Kumain ka, hndi yung puro ka Jed ikamamatay mo yang lalaking yan eh."

"Ang sungit mo talaga! Bakit ba ang laki mong kontra sa pagmamahalan namin ni papa Jed?"

"Girl, nababaliw ka na ba? Yung mga lalaking kagaya ni Jared, yan yung mga lalaking masyadong malayo satin. Kapag pinangarap mo masasaktan ka lang. Nakit mo ba kung sino yung mga nagiging girlfriend nyan? Yung mga sikat, yung mga model. Gising gising ka din kapag may time ha?"

"Alam mo ang nega mo na ang bitter mo pa. Umamin ka nga may gusto ka ba kay Jed o kaya sa mga kaibigan nya kaya ganyan ka na lang ka-bitter sa mga pinagsasabi mo?"

"Sa grupo nila? Eww. Wala no! Medyo hindi ko kinekeri ang mga pinagsasasabi mo." sabi nya na parang diring-diri. Natawa tuloy ako sa itsura nya.

"Pero seryoso Ash, wala naman sigurong masama kung pangarap ko si Jed. Pangarap lang naman, at hindi naman lahat ng pangarap inaabot. Alam ko naman sa sarili ko na isa si Jed sa mga pangarap na malayo kong maabot kahit nga yata mahawakan imposible." Malungkot na sabi ko. Kasi kahit naman anong deny ang gawin ko alam ko naman na iyon ang totoo.

Tinignan ako ni Ashley na may lungkot din sa mga mata tsaka nya pinulupot ang braso nya sa ikod ko tsaka yun hinimas na parang inaalo ako.

"Pero Ash malay mo, magaya ang love story namin kila San Cai o kaya ni Jan Di, alam mo yun? Yung nahuhulog yung bidang lalaki sa di mo inaasahang babae." Kilig na kilig na sabi ko.

"Baliw!" sabi nya sabay batok sakin, "Scripted yun."

Natawa na lang ako. Baliw nga talaga ako tsaka ko muling sinulyapan si Jed na masayang tumatawa kasama ang  mga kaibigan nya.

Alam kong imposible pero hindi naman siguro masamang umasa diba? Malay mo magkatotoo ang fairytale na pinapangarap ko.

Innocent's Mistake: I got pregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon