12.1:>>

105K 1.5K 22
                                    

"Oh girl bakit mukha ka na namang zombie dyan?" Pambungad na tanong sa akin ni Ashley pagkakita nya sakin.

"Ikaw ba naman ang sumuka sa pagkasikip-sikip na LRT ng wala dalang plastic, tignan ko lang kung maging maganda ka pa din pagkatapos. Ang haggard girl!" nanghihina kong sabi. Nasa LRT na kasi ako kanina nung bigla akong inatake ng pagsusuka. Kung di ba naman ako sinuswerte, sa dami ng Public transportation na ginagamit ko araw-araw sa LRT pa ko inabutan, Biruin mo yun? Tapos wala pa kong plastik. Dyusme! Tapos dahil rush hour, sobrang dami ng tao at siksikan.  

"Ha? Bakit? Napano ka? Nagpacheck-up ka na ba?" alalang tanong nya.

"OA lang girl? Ano ka ba? Buntis kaya ako, natural lang to."

"Eh anong ginawa mo kanina sa LRT? Hindi ka naman siguro sumuka sa gitna nun no? Nakakahiya!"

"Ayun, buti nalang mabait yung isa dun sa nakaupo, binigay nya sakin yung upuan nya tapos sya na lang yung tumayo. Yung nakatabi ko naman inasikaso ako, hinimas-himas yung likod ko habang sumusuka ako sa dala nyang plastic kung hindi baka nagkalat na ko dun. Grabe nga lang makatingin yung ibang tao, akala mo first time makakita ng suka. Inggit yata?" natatawa kong biro kahit wala akong lakas para tumawa ng maayos.

"Hay buti naman."She said then sighed a relief, "Teka nga...." tapos iniwan nya ko saglit. Pagbalik nya may dala na syang tubig at wipes.

Inabot nya yun sakin, "Oh ayan, uminom ka muna tapos magpunas ka. Ayoko ng may amoy suka dito. Eww!" tapos umarte sya ng nandidiri.

"TSE!" I rolled my eyes, restraining my laugh. Hindi bagay kay Ashley na mag-inarte dahil wala talaga sa personality nya yun.

Napatingin ako sa kanya at saktong napatingin din sya tapos hindi na namin napigilan at nagtawanan na kami. We really do think alike! Natigilan na lang kami nang maya-maya dumating si Harvey at hinanap ako kaya lumabas ako.

Alalang-alala ang mukha nya habang tumatagaktak ang pawis. Mukhang tumakbo sya ng malayo makarating lang dito. Hindi naman ako manhid, syempre nakaramdam ako ng tuwa kasi nag-aalala sya. Mukhang narinig nya na kasi yung nangyari, "Elize, ano nangyari? Okay ka na ba?"  hingal na tanong nya.

"Wa--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at naitulak ko na si Harvey para makatakbo ako sa rest room. Nakaharang kasi sya sa pinto eh! Sumuka ako ng sumuka doon hanggang sa parang pati bituka ko nailabas ko na. Tumambay muna ako sa rest room hanggang sa  mahimasmasan ako  tsaka ako bumalik para makausap si Harvey at makapagsorry na din sa pagtulak ko sa kanya. Pero pagdating ko dun, hindi ako makalapit kay Harvey dahil parang masusuka na naman ako kapag lumapit ako sa kanya. Dahil narealize kong yung amoy nya ang dahilan kung bakit ako sobrang nasusuka.

Nagtaka si Harvey sa kinikilos ko at sinubukan nyang lumapit pero pinigilan ko sya, baka masuka na naman kasi ako, ayoko na! "Ah kasi ano.... Sorry Harvey ah, pero kasi ayoko ng amoy mo ngayon nakakahilo. Sobra!"

Natigilan sya tsaka sya tumango,"Ganun ba? Teka sandali." Tsaka sya dali-daling umalis papunta sa kung saan.

Napakunot ang noo ko, anong gagawin nun? Di ko napansin na nasa tabi ko na si Ashley kung hindi pa sya nagsalita, "Oh anong nangyari dun?" tanong nya.

Innocent's Mistake: I got pregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon