12.2:>>

103K 1.6K 72
                                    

Medyo matagal na mula nung lumunok sya ng laway pero hanggang ngayon wala pa din yung kasunod nung ssabihin nya, "Ano? Magsasalita ka pa ba? Yung totoo, napipe ka na ba? Ha?" 

Napayuko sya, "Kasi Elize...matagal na talaga kitang gusto... noon pa lang..."

Nakatingin lang ako sa kanya habang sinasabi nya yan. Hindi ako nagsasalita at hinahayaan ko lang sya sa sasabihin nya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi na ako masyadong nagulat at mukhang medyo ineexpect ko na yun. Siguro dahil sa paulit-ulit na sabi ni Ashley at ng iba ko pang kaibigan kung gaano ka-espesyal ang turing sakin ni Harvey kaya medyo nakita ko na yun.

"Unang beses na makita kita napahanga na ako agad sayo kasi hindi ka gaya ng iba na maarte at grabe kung mag-make up, hindi mo na halos makilala ang mga mukha nila pero wala pa din. Simple ka lang, hindi ka masyadong nag-aayos, hindi ka nagmemake-up--pulbos lang-- per ang ganda mo na. Unang beses pa lang kitang nakita na-capture mo na ko kaya pinilit kong alamin lahat ng pwede kong malaman tungkol sayo at sa bawat detalyeng nalalaman ko mas napapahanga ako sayo. Ikaw pala si Elize Montemayor, consistent dean's lister pero may mababang self-confidence, madami kang kaibigan dahil mabait ka, makulit ka madalas pag natitripan mo, maraming may gusto sayo pero hindi makaporma dahil pakiramdam nila wala silang pag-asa, at matagal ka ng may gusto kay Jared Villaflor. Nung nalaman ko yun, nalungkot ako. Parang biglang nawala lahat ng pag-asa ko sayo. Bakit kasi sya pa? Bakit hindi na lang ako? Gwapo din naman ako, matalino, mabait, sikat din ako. Kilala ak ng lahat pero hindi ni Elize, dahil si Jared lang ang focus mo at wala ka ng ibang nakikita kahit na gaano pa ako magpapansin makilala mo lang ako...."

"Inggit na inggit ako noon kay Jared. Nasa kanya lagi ang mata mo samantalang ni hindi mo ko nasusulyapan. Kahit nga nagpapansin ako para malaman mo kahit man lang ang pangalan ko hindi mo magawa. Napakaswerte nya...kaso hindi ka naman nya binibigyan ng pansin.Gaya ng di mo pagbibigay ng pansin sakin. Magpapakilala na sana ako noon sayo, I said I'll at least give it a try, kaso nalaman ko nililigawan ka na pala ni Jared. Kahit malungkot ngumiti na lang ako kasi at least napansin ka na ng taong matagal mo ng gusto. Hindi man ako masaya at least ikaw masaya." Napangiti sya ng mapait si nung sinabi nya yun. 

Hindi pa din ako nagsasalita, hinahayaan ko pa din sya na sabihin kung ano ang mga gusto nyang sabihin. Dahil alam kong hindi pa sya tapos. 

"Nung naging kayo, naging masaya na lang ako para sayo kahit na may panghihinayang na sana nakilala mo man lang ako. Malay mo, kung nakilala mo ako baka ako ngayon ang nasa lugar ni Jared--ako ang nanliligaw sayo, na masaya ko namang gagawin. I'll enjoy every effort I'll give just to make you feel special pero hindi, wala ako sa lugar na yun. Hinayaan ko na lang kayo, kasi siguro hindi talaga ako para sayo at nakita ko na masaya ka na. Pero nagkahiwalay kayo at inulan ka ng di magagandang balita kaya naglakas loob na akong luampit sayo at magpakilala. Baka sakaling ito na yung chance na hinihintay ko. Hindi na ko nabigla nung hindi mo nga ako kilala. Ineexpect ko naman na walang Harvey Francisco na nag-eexist sa mundo ni Elize Montemayor. Pero habang iniisip ko yun hindi ko naiwasan na mapangiti ng mapakla...pero sabi ko at least nagyon kilala mo na ako, hindi na masama."

Tumango lang ako kahit hindi naman nya ako nakikita dahil malayo ang tingin nya habang nagkukwento, "Pero Elize.... hindi ko alam kung bakit o kailan, kasi the last time I checked, ikaw pa rin ang taong gusto ko at pinapangarap ko. Pero Elize...ngayon iba na, hindi na si Elize Montemayor ang laman ng puso ni Harvey Francisco."

Innocent's Mistake: I got pregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon