Tuluyan na kong pumasok sa loob dahil sa pagtulak sakin ni Jhoanne. I tried to compose myself pero bago ko pa magawa yun ay narinig ko na ang boses nyang tinawag ang pangalan ko, "E-Elize....."
Kinilabutan ako nang marinig ko ang pagtawag nya sakin. Ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo ko sa batok at braso pati na din ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Pinilit kong laban yun bago ako nagsalita but I failed miserably dahil mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng magkatagpo ang mga mata namin, "J-Jared...." I said weakly.
What the heck is he doing here? What the hell is happening? Hindi ko napaghandaan ang bagay na to. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na pwedeng magkita ulit kami. Bakit ba kahit anong takbo ang gawin ko para pa rin akong hinahabol ng nakaraan?
I'm not yet ready for this. I'm not yet ready to see the man who hurt me and made me leave the Philippines. This is insane, really insane!
My mind was racing so fast trying to comprehend everything that is happening when my stepfather spoke, "Elize..."
Napatingin ako sa kanya at nagmamakaawa ang mga mata ko na sabihin nya sakin kung anong nangyayari dahil naguguluhan na ko. Pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko sa dami ng nangyayari. Buong akala ko hinding-hindi ko na makikita si Jed kahit kailan pero ngayon nandito sya sa harap ko. Ano bang nangyayari? Pinaglalaruan ba ko dito? Sobra na ang stress na nararamdaman ko na parang kahit anong oras maiiyak na lang ako.
"T-this is Mr. Jared VIllaflor, the new facilities engineer...." pagpapaliwanag nya.
Napasinghal ako bago napabalik ang tingin ko kay Jed na may ngiting hindi ko maintindihan.
"Mr. Villaflor this is Ms. Elize Montemayor, the facilities manager. She will be your partner here in the hotel." baling ng stepfather ko kay Jed
Hindi makapaniwala ang mukha ko habang nakatingin ako kay Jed. Hinihintay ko silang tumawa at sabihin na nagbibiro lang sila pero hindi yun nangyari. Sa halip inabot ni Jed ang kamay nya sakin para makipaghandshake.
Napasinghal lalo ako. Naiinis ako! Naiinis ko sa mga nangyayari at pakiramdam ko pinagkakaisahan ako. Eh kung hindi ko kaya tanggapin ang handshake ni Jed? Mababago kaya ang nangyayari? Hindi na ba sya magiging FE dito?
Paano nangyaring nandito sya samantalang sa laki ng firm nila sa Pilipinas kaya nyang bilhin ang buong hotel na to? At kung kinakailangan nyang magtrabaho bakit sa dinami-dami ng pwedeng pagtrabahuhan dito pa sya pumasok? Leche! Bakit pakiramdam ko hindi to basta coincidence lang? Posible ba talagang mangyari to?! Mababaliw ako kapag nagpatuloy to.
Mas lumaki ang ngiti nya na mas ikinainis ko, bago sya nagsalita, "Hi Ms. Montemayor, it's nice to see you." casual na bati nya habang itinuturo pa ng mga mata nya ang kamay nyang nakaabot sakin.
Tinitigan ko yun ng matagal at inisip kung ano ba ang dapat kong gawin. Napabuntong hininga na lang ako ng maisip ko na dapat maging professional ako at hindi ako magpaapekto bago ko inabot ang kamay ko sa kanya. Hindi ko alam kung baliw lang ba ako pero parang may kung anong kakaiba sa handshake na yun na hindi maipaliwanag.
Lihim akong napailing nang maramdaman ko yun. Pilit kong pinakiramdaman kung ano yun pero hindi ko mapagtanto kung ano yun. Nasa ganun akong pag-iisip nang marealize ko na hindi galing sakin kung ano yung nararamdaman ko kung hindi galing kay Jed kaya hindi ko mapagtanto kung ano yun kahit anong gawin ko. Napatingin ako sa kanya ng diretso, trying to decipher what is happening pero wala akong makita bukod sa nakangiti nyang mukha kaya ipinagsawalang bahal ko na lang ang kung anumang nararamdaman ko tsaka ako casual na sumagot sa bati nya, "It's nice to meet you too."
Napangisi sya sa sagot ko, "Really?" Mapang-asar na sabi nya.
"Really." Madiin kong sabi kahit na sa totoo lang inis na Inis na ko.
BINABASA MO ANG
Innocent's Mistake: I got pregnant
RomantizmElize Montemayor has been in love with Jared Villaflor ever since she has heard of his name. Thing is, Jared is too out of her league and taking notice of her is next to impossible. That's why everything came as a shock when Jared approached Elize o...