"Mahal mo naman ako diba? Kung mahal mo ko gagawin mo to para sa akin." Sabi nya na parang kondisyon talaga to para mapatunayan na mahal mo sya.
I flinched. Ano bang nangyayari? Oo, mahal ko si Jed pero hindi naman siguro ibig sabihin nun dapat ko ng gawin yun kasama sya. Marami pa naman ibang bagay na pwede kong gawin para patunayan na mahal ko sya. Hindi lang yun. Hinid pa ko handa sa hinihingi nya at ni misan hindi ko naisip na mangyayari sakin to. Ni hindi pumasok sa isip ko na ma-eencounter ko ang issue na to. Hindi ba pwedeng mahal ko sya, mahal nya ko at wala na kaming dapat na patunayan pa? Hindi pa ba sapat lahat ng pinapakita ko para mapatunayan na mahal ko sya? Kailangan pa ba talaga to?
Matagal bago ako nakapagsalita. Sinusubukan ko na maging reasonable sa pandinig yung mga sasabihin ko pero sa oras na to para akong naubusan ng mga salita. Parang kulang lahat ng salitang alam ko para lang maipaliwanag yung gusto kong sabihin. Gusto kong magbuklat ng dictionary ngayon para lang maghanap ng mga tamang salita dahil hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin yung nararamdaman ko. Sa huli simpleng, "Pero Jed masyado pa tayong bata. This is wrong in many angles. Sorry, pero hindi pa ko handa sa bagay na yan." lang ang nasabi ko.
I know, what I said was so stupid. Ni hindi nga yun tutumbas na magandang paliwanag. Pero anong gagawin ko? I'm out of words and I know that my argument will be invalid. Pero kahit ganun, kahit wala pa kong maidahilan, alam ko sa sarili ko na mali ang hinihingi ni Jed at hindi ko pa maibibigay yun sa kanya.
"Ano naman? Eh nagmamahalan naman tayo. Walang mali sa taong nagmamahalan. Tsaka Elize para din naman sayo to--satin. Ayokong sabihin nila na hindi ka deserving sakin dahil hiid mo kayang ibigay to. Gusto ko na mapatunayan sa kanila na mali sila. Gusto kong malaman nila na ikaw lang ang tamang babae para sa akin."
"Pero Jed mali pa din, kahit sa anong paraan mo tignan mali pa rin." Nafufrustrate na ko dahil hinid nya maintindihan yung point ko. Ang nakikita nya lang yung sinasabi nya pero hindi nya maintindhan yung sinasabi ko. Pero sabagay, paano naman nya ko maiintindihan kung wala naman akong masabing matino. Sa ngayon kasi literal na I'm out of words para akong iniwan ng mga salita at hindi ko sila mahagilap kaya mas lalo akong nafufrustrate kasi kung kailan kailangan kong magpaliwanag tsaka ako walng mabuong maayos na sentence. Shete!
"Bakit? Hindi mo ba ako mahal? Natural na ginagawa na to ng mga nagmamahalan sa panahon ngayon Elize. Sige nga sino sa mga kakilala mo ang inosente sa ganito? Sino sa mga kakilala mo ang hindi pa gumagawa ng ganito? Ikaw na lang yata ang babaeng hindi papayag sa ganito at gusto kong patunayan sa kanila na kaya mong maging kagaya ng iba, na mali sila."
Hindi ko alam kung bakit pero nasaktan ako sa sinabi nya. Alam kong totoo. Masyado akong conservative kumpara sa iba at hindi ko kaya na makipagsabayan sa panahon ngayon. Halos lahat ginagawa na ang hinihinling ni Jed pero hindi naman siguro porket ginagawa na ng lahat eh dapat gawin na din namin. Naiintindihan ko sya. Gusto nyang ipamukha sa mga kaibigan nya na hinid ako 'loser' gaya ng tingin nila. Pero bakit kailangan namin na patunayan? Sa isang relasyon dalawang tao lang ang kailangan, dalawang tao lang ang mahalaga kaya bakit kailangan namin na may patunayan?
"Jed, intindihin mo naman. Hindi pa ko handa sa ganito. Ni minsan hinid ko naisip na kakailanganin ko ng gawin yun kaya hindi mo maalis sakin na mabigla ngayon. Alam ko na importante para sayo ang mga kibigan mo at ang mga opinyon nila pero pwede bang isipin mo din ako at yung sasabihin ko? Gaano ba sila kahalaga at hindi mo makuha na intindihin ako kahit papano?"
BINABASA MO ANG
Innocent's Mistake: I got pregnant
RomanceElize Montemayor has been in love with Jared Villaflor ever since she has heard of his name. Thing is, Jared is too out of her league and taking notice of her is next to impossible. That's why everything came as a shock when Jared approached Elize o...