Kabanata XX: HIS POINT OF VIEW.

39 1 1
                                    

HIS POINT OF VIEW.
______________________________________________

        DINALA si Levi ng sariling mga paa sa isang burol na malapit villa. He heaved a sigh of relief nang makita niya ang likod ni Shay sa kubo na nakatayo sa gitna ng burol. Nakaupo ang dalagita sa kawayang upuan ng kubo.

He didn’t approach her right away. Mula sa kinatatayuan, pinagmasdan niya muna ang kubo na gawa sa pawid ang atip. May puno ng bayabas sa tabi nito at napapaligiran ito ng mga ligaw na halaman. Sa loob ng kubo ay mga nakasabit na pasong gawa sa ni-recycle na plastic bottle. Nakatanim sa mga pasong ‘yon ang spider plants. Halatang bago at kapapalit lang ang mga kawayang poste, mahabang lamesa at upuan. Binarnisan ang mga ito para maprotektahan ito sa mga anay.

Feeling nostalgic, he smiled. Dito sila madalas tumambay noon ng kanyang kababata noong dito pa siya nakatira sa Zambales.

Nilapitan na niya si Shay.

“Shay,” he called after approaching.

Mabilis naman itong lumingon. “K-Kuya Levi?” gulat nitong tanong.

“Kanina ka pa hinahanap ni Tita Asul.”

Hindi ito umimik kaya pumunta siya sa harapan nito. He stared at Shay. “Anong nangyari? Anong sinabi sa’yo ng Ate Keira mo?” usisa niya.

Ngumiwi ang dalagita pero mabilis rin nitong binawi. Marahan itong umiling.

“A-Ah...w-wala yun, Kuya...” Alanganing ngumiti ito sa kanya kaya mas lalong nagsalubong ang kilay niya. He knew Shay’s hiding something.

“Shay,” he called softly with a hint of order.

Nagbuntong-hininga ang dalagita bago nito binaba ang tingin sa lupa. “I’m sorry, Kuya...” Shay softly said before biting her lower lip. “It’s all my fault. Ako ang nauna. I insulted her, that’s why she got annoyed...” Shay purposefully stopped.

He sighed. “Anong sinabi mo sa kanya?”

Shay squeezed her lips together before speaking. “That I still prefer Ate Annika to be your girlfriend...”

A smile formed from his lips, hindi napigilang mapangiti. Hindi sa kinunsunti niya ang ginawa nito, pero na-touch siya sa mga narinig. Shay cares about his feelings. Even though they are second cousins, Shay has always looked up to him as a real brother. Mas Kuya pa ang tingin nito sa kanya kaysa kay Renz. Since he doesn’t have any siblings, he treats Shay and Jessie as if they were his real sisters.

He placed his hand on Shay’s shoulder, making her look at him. Now he could see Shay’s teary eyes. She looked really guilty.

“I know how much you like your Ate Annika and how much you miss her, but you shouldn’t have said that to your Ate Keira.”

“I’m really sorry, Kuya,” sinserong sambit nito.

Nginitian niya ito. Nilipat niya ang kamay sa ulo nito. “Huwag mo sa’kin sabihin ‘yan. Sabihin mo yan sa Ate Keira mo mamaya.”

“Y-Yes, Kuya,” kiming tango nito.

Sinamahan niya ang pinsan sa kubo. Tahimik lang sila habang magkatabing nakaupo at nakatanaw sa malawak na palayan sa paanan ng burol.

“Kuya, can I ask you something?” Shay broke the silence between them.

“About what?” He stared at Shay closely.

“Do you like that Kei—” Shay cleared her throat. “I mean, Ate Keira?”

Puminid ang kanyang labi, hindi agad nakasagot. Binaba niya ang kamay mula sa ulo ni Shay saka tumayo. He tried to focus his eyes on the vast and shimmering rice fields under the sun’s glare, but Shay didn’t let him evade the question.

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon