Kabanata II: HER COLDNESS, HIS HEARTBREAK

437 6 0
                                        

Her Coldness, His Heartbreak.

______________________________________


        I ARCHED MY BACK as the nerve chilling water on my face ran down my bare body.

My bathroom smells like sweet fruit from my cucumber melon soap as I rubbed it on my smooth skin. Mula sa'king leeg, ipinaglandas ko ang kamay kong puno ng bula sa bawat parte ng katawan ko pababa sa talampakan ko.

Pumikit ako, paulit-ulit ang ginawang paghimas sa sariling katawan hanggang sa bumalik sa isipan ko ang mga naganap sa pagitan namin ni Levi.

Just a few hours ago, I was with him next to me-we were both naked. Thousands of volts of electricity ran through me as our skin pressed together. His tanned skin made me even more aroused as we lay in his cozy bed, under the warmth of his thick, fluffy blanket.

That was the most intimate moment I had with Levi.

Nilakasan ko ang shower para palisin ang kakaibang init na muling bumabalot sa katawan ko.

Nakaroba akong lumabas ng banyo. Tumutulo pababa sa noo at pisngi ko ang butil-butil na tubig mula sa basa kong buhok na nakabalot ng tuwalya. 

Nag-isang linya ang kilay ko nang madatnang nakaupo sa gilid ng kama ko si Tita Norin. She's busy looking at the photos on my bedside table kaya hindi niya agad ako napansin.

Mahigpit kong itinali ang suot kong roba at lumapit sa kanya. "May kailangan kayo?"

Nakangiti siyang humarap sa'kin. "Wala naman. I just want to check on you."

"Check on me? Ano ako may sakit?"

"No...that's not what I mean, dear. Gusto ko lang siguraduhing okay ka pagkatapos ng ginawa sayo ni Krauss."

"I'm obviously okay," I said coldly.

Tumayo siya nang lumapit ako sa kama para kunin ang mga damit kong nakalatag doon.

"Tungkol kanina...ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ng ama mo. He's just worried about you."

My lips twitched. "Bakit kayo ang nagsasabi niyan? Shouldn't he be the one asking that? Hmm...Tita Norin?"

"Intindihin mo na lang sana ang daddy mo. Alam mo naman ang isang 'yon...madaling magalit," tipid siyang ngumiti. Madaling magalit sa'kin, pero kay Annika hindi!

"Iyon lang ba ang sasabihin n'yo? Kung wala na, makakaalis na kayo. Magbibihis na ako." Tinanggal ko ang tuwalya sa buhok ko at itinapon sa ibabaw ng kama ko.

"Wala na, dear. Nagpahanda nga pala ako ng breakfast mo, bumaba ka na lang kapag tapos ka nang magbihis."

"Okay," I coldly replied to her.

Ngumiti pa sa siya sa'kin bago niya tinungo ang pinto. Naiiling na tinungo ko naman ang walk-in closet ko nang tuluyan nang makalabas ang stepmother ko.

Tita Norin has never shown me anything bad in the past ten years. Mabait siya sa'kin pero sadyang mabigat ang loob ko sa kanya.

Like what dad told me, maghapon akong hindi lumabas ng mansyon. I just stayed in my room and watched movies all day. If Dad hadn't called me down for dinner, I wouldn't have left my room.

"I'm not giving you the car keys back yet."

Naibagsak ko ang hawak kong kubyertos at mabilis na hinarap si Dad na nakaupo sa dulo ng lamesa. "But Dad-"

"No buts, Keira! Ibabalik ko ang susi ng sasakyan mo pagkalipas ng tatlong araw."

Padabog akong tumayo sa upuan. "But Dad, wala akong gagamitin pagpasok sa school!" I protested.

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon