Asungot.
___________________________________________HABANG papalapit ako kay Rae na nakatayo sa mismong entrance ng bar, kitang-kita kung paano sinuri niya ang suot ko-mula sa suot kong silver sequin loose v-neck tank na tinernuhan ng long black blazer, pababa sa itim kong skirt, which was just inches above my knees. Tamang-tama lang ang haba nito-hindi masyadong mahaba, hindi rin masyadong maikli.
I'm also wearing a pair of white square open-toe heeled sandals with straps and chunky block heels, na in-order ko pa online. Nakasabit naman sa kaliwang balikat ko ang itim kong minimalist na crescent-shaped bag. I just let my shoulder-length hair down, and it bounced a bit as I walked.
It's almost 8:00 p.m., and we're already here at Nexus Bar, the bar reserved by the management for our farewell party.
Tinaasan ako ni Rae ng isang kilay pagkahinto ko sa harapan niya. "Kaya naman pala ang tagal mo... Mukhang pinaghandaan mo ang outfit mo ngayon," komento niya.
I snickered at her. "Oh honey, kung nakita mo lang ang dating Keira, masasabi mong 'simple' na lang ito."
"Eh di ikaw na ang fashionista! But honestly, those legs of yours are perfect. I can hardly believe you were using a walking stick just months ago," Rae said sincerely-no insecurities, only with admiration.
"Well, it's a big thanks to my orthopedic doctor. She did a great job taking care of me. That's why the surgery turned out well."
Umismid si Rae sa sinabi ko. "Well, kung nagkataon na ako ang orthopedic doctor mo, I'll do the same. Considering who your parents are. It would be embarrassing to be criticized by a famous businessman and head doctor."
Ngumiwi lang ako kay Rae at niyaya na siya papasok sa bar pagkatapos kaming madaanan ng mga kasama naming nauna nang pumasok sa loob.
As we stepped in, we were greeted by the faint sound of music, the soft murmur of conversations among our co-workers, the clinking of glasses and bottles, and a jukebox serenading us with an old blues song. The warm lighting mixed with the haze of cigarette and vape smoke created a cozy atmosphere.
"Keira! Rae! Dito..."
Sabay kaming napalingon ni Rae sa table sa gilid nang may tumawag sa amin mula roon. Nakita namin na nandoon ang isa sa mga senior architect namin at isa pang ka-trabaho, na parehong nakiupo sa table namin ni Rae kanina sa firm.
Lumapit na kami ni Rae sa kanila, dahil wala rin naman kaming makitang bakanteng upuan. Occupied na ang mga upuan. Kung hindi mga tao ang nakaupo, mga gamit naman ang nakapatong sa mga upuan.
"Kanina pa kayo hinahanap ni Ms. Aya. Akala niya, hindi na kayo dadalo," salubong ng senior architect sa'min nang makaupo na kami ni Rae sa table.
"Hinintay ko muna kasi si Kei, para sabay kaming papasok," Rae explained. "Nasaan na nga pala si Ms. Aya? Hindi namin siya nakita pagpasok," kunot-noong tanong ni Rae habang sinisipat ang loob ng bar.
Isa-isa nang nagsidating ang mga kasama namin hanggang sa nakumpleto na kami. Nakita na rin kami ni Ms. Aya na kababalik lang mula sa labas ng bar, kasama niya ang HR Manager namin at leaders.
Our party started at exactly 8:00 p.m. Maraming pagkain at libre ang mga alak. Dahil ni-rent ni Ms. Aya ang buong Nexus Party para sa gabing ito, kaming mga empleyado ng MAD ang nandito.
"IT'S YOUR TURN NOW, KEIRA," our HR Manager grinned at me habang nakatayo siya ngayon sa dulo ng mahabang table. Ms. Aya is sitting quietly on a one-seater leather couch, sipping her wine and watching us. Kami namang mga empleyado ay palibot na nakaupo sa mahabang lamesa mula sa pinagdugtong-dugtong na mga lamesa. Nakalatag sa harapan namin ang alak at pulutan.

BINABASA MO ANG
One Last Time
RomanceAll she wants is to get his elusive love so when the opportunity comes, hindi na siya nagdalawang-isip pa na isagawa ang plano---ang akitin ito sa kahit anong paraan! Pero tila hindi sasang-ayon sa kanya ang kalangitan, dahil hindi magiging madali s...