Kabanata XLIV: LOVES...

291 9 0
                                        

Loves...

_____________________________________________

LOOKS LIKE THE TABLES HAVE TURNED, HUH? Mukhang ikaw na ang nanliligaw kay Yturralde, ha Levi?” rinig kong ismid nung Jace.

Levi shot the latter a quick look. “Oo at nandito ka para tulungan ako,” he shot back ominously.

At dahil nakatingin din ako sa huli, nakita ko ang lalong pag-ngisi nito sa narinig.

“Why not? Especially since I’m enjoying seeing this desperate side of you. Akala ko ay sa isang babae ka lang magkakaganito, hindi ko akalain na mas magiging malala ka pa pala sa Ate—”

“Shut up.” Levi’s dark and dangerous voice cut Jace off.

Jace chuckled. “Told you, huwag kang magsasalita ng tapos. Look at you now…” pangangasar nito.

Hindi naman niya ito pinansin. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad patungo sa sasakyan.

      Hindi na ako nakaalma nang isakay na ako ni Levi sa shotgun seat. I shot him a death stare at hindi ito inalis sa kanya kahit na sinara na niya ang pinto sa tabi ko at humarap sa dalawang nakasunod sa’min.

Nakipag-usap siya sa mga ito pagkatapos iabot sa kanya ng pinsan niya ang nahulog kong flipflops. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila, dahil nakasara ang bintana.

Mayamaya ay tumango sa kanya ang dalawa bago umalis ang mga ito sa harap niya. Siya naman ay nanatiling nakatayo sa tabi ng pinto ng shotgun seat habang dumudukot sa kanyang bulsa. He took out his cellphone and began typing. The screen illuminated his serious face and brown eyes as he typed, but the screen reflection in his pupil was so small that I couldn’t read what he was typing. Nag-type siya saglit bago ibinulsa ang kanyang cellphone at umikot sa driver’s seat.

“Wear your seatbelt,” utos niya pagkaupo niya sa harap ng manibela.

Hindi ako sumunod sa sinabi niya. I turned to him with clenched teeth. “Fvck you!”

Ngumiwi siya sabay iling. “Hindi maganda sa babae ang palamura,” he commented, then he leaned in closer to me and placed my flipflops in front of my seat.

I instinctively leaned back until I found myself pressed against the car window. Muli akong nagtiim-bagang at matalim siyang tiningnan. “Well… I apologize for being one of those women, Deogracias! Kaya naman, tigilan mo na a—”

“But you’re an exception. No matter how many times you curse at me, I won’t mind as long as it’s coming from you...” His eyes burned with desire as he held my gaze while saying that.

My lips tightened together. Handa ko na siyang singhalan ulit nang maramdaman ko ang pagsuot niya sa’kin ng seatbelt ko.

“Kahit ikaw pa ang pinakamasamang babae sa buong mundo, I wouldn’t stop loving you, Keira Yturralde…” he continued, licking his lips and winking at me.

For a moment, I was left speechless. Before I could gather my thoughts and fire back, umayos na siya ng upo at humarap na ulit sa manibela.

Matalim ko siyang tiningnan bago ko hinawakan ang handle ng pinto sa tabi ko. Sinubukan ko itong buksan, but to my frustration, naka-lock ito!

“No, you won’t, Keira,” his commanding voice said.

My eyes flared with rage. Marahas ko siyang hinarap, ready to scowl at him, but that moment never came when I heard the honking of a car—a sound that unmistakably belonged to my Audi! Mabilis ko itong tiningnan mula sa windshield, and all the blood rushed to my head when I saw Jace sitting in the driver’s seat!

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon