Sabotage.
__________________________________________________
ISANG PAWISAN SA LEEG, nakaharap sa kawayang lamesa na Levi ang bumungad sa'kin pagpasok ko sa loob ng tent.
It's almost lunch. Kausap ko si Mang Berto sa ginagawang sala ng mansyon nang lapitan ako ng isang worker at sinabing pinatatawag ako ni Levi sa tent. Nagpaalam ako kay Mang Berto at dumiretso na sa tent kung saan niya raw ako hinihintay. Tatlo talaga kaming nag-uusap nila Mang Berto kanina, pero nag-excuse muna siya at sinabing babalik sa tent dahil may naiwan siya rito. He left me with Mang Berto, but he didn't return after almost half an hour hanggang sa ipatawag niya ako sa isa sa mga worker.
Mukhang busy siya sa ginagawa with his back to me, so I cleared my throat to announce my presence. “Pinatawag mo raw ako…” I began in a casual tone, making him turn around.
The serious expression on his face melted into a gentler one as soon as our eyes met. “Keira, halika… I want to discuss something regarding your layout plan,” his soft and calm tone said.
Lumapit na ako sa kanya habang hindi niya inaalis ang mga tingin sa'kin. Though I initially disliked the idea of working with him again, I'd come to terms with it in the following days. And I had to admit, he was a true professional. I now understand why he's so highly regarded in Santi Tierra. He’s a sought-after engineer because he’s efficient and meticulous. Seryoso at istrikto siya kapag oras ng trabaho. Hindi pwede sa kanya ang bara-barang trabaho. He truly earned his salary.
“What is it?” kaswal kong bungad sa kanya nang tuluyan akong makalapit.
Bahagya siyang ngumiti sa'kin bago muling humarap sa lamesa—focusing his eyes on the plan laid out in front of us. A familiar scene…
Itinukod niya ang dalawang kamay sa lamesa. He crouched down habang nakatingin sa nakalatag na plano saka may itinuro doon.
“This area, I think you overlooked something here,” aniyang nakatuon ang mga mata sa parteng itinuturo niya.
Mas lumapit ako sa kanya para tingnan ang itinuturo niya sa planong ginawa ko.
“Nakalimutan mong ilagay ang sukat.” Nilingon niya ako at mabuti na lang, nakayuko ako! Kung hindi...baka tumama na ang noo ko sa labi niya!
Mabilis akong nagpilig ng ulo sa isip at nagpokus sa parte ng plano na itinuturo niya.
Napabuntong-hininga ako nang makita ko na ang sinasabi niya. He's right. Nagkamali ako, and I won't try to justify it. As a licensed architect, I know there can be no room for error because of the significant impact it has on the structure. One mistake can lead to a major disaster. However, even the most skilled architect isn't immune to making mistakes occasionally. I mean, we're only human.
“You're right. Thank you for pointing that out,” I admitted sincerely. “Akin na muna 'to para maayos ko,” sinabi ko.
Kukunin ko na sana ang nakalatag na plano, pero hinuli niya ang kamay ko. Ibinaba niya ito sa ibabaw ng lamesa at dinaganan niya ng kanyang palad—caving my hand with his!
“Hindi pa ako tapos. Hayaan mo muna akong i-review ang plano mo, para matulungan kitang mag-revise mamaya,” he said.
I looked up at him with a slight frown. “No need, Engr. Deogracias. Kaya kong gawin 'yon mag-isa.” Binawi ko na ang kamay ko na hinayaan naman niya saka umiling.
Binalik niya ang atensyon sa nakalatag na layout plan at nirolyo ito. Tumuwid siya ng tayo at saka ito inabot sa'kin.
I took the plan from him. Inabot naman niya ito sa'kin. He checked his wristwach and returned his eyes on me.

BINABASA MO ANG
One Last Time
RomanceAll she wants is to get his elusive love so when the opportunity comes, hindi na siya nagdalawang-isip pa na isagawa ang plano---ang akitin ito sa kahit anong paraan! Pero tila hindi sasang-ayon sa kanya ang kalangitan, dahil hindi magiging madali s...