Kabanata XXXIV: HEARTFELT SENTIMENTS

341 4 0
                                        

Heartfelt Sentiments.
_______________________________________

        NAKARATING AKO SA FIRM na puno ng pawis ang noo at mabilis pa rin ang tibok ng puso sa kaba—kinakabahan na baka sumunod sa'kin si Levi. The way he called me, it's obvious that he wanted something from me or needed to talk to me! If it's about what he said yesterday…ayoko!

Kumalma lang ako nang halos isang oras ang lumipas at walang Levi na nagpakita. If he didn't know how to get here or if he had somewhere more important to go…I just don't care. Basta masaya ako na hindi siya sumunod sa'kin.

“I'm excited to see kung paano rumampa ang isang Keira Yturralde,” ngisi sa'kin ng kasama ko na blanko ko lang tiningnan.

Nandito kami ni Rae sa loob ng elevator, pababa na galing sa HR office at office ni Ms. Aya. I went there para ayusin ang leave ko para sa operasyon next week at sumama sa'kin si Rae… of course, para makiusyoso!

Sa tulong na rin ni Ms. Aya, madaling naayos ang leave ko. Hindi na ako papasok sa Lunes, dahil ‘yon ang start ng 3 weeks leave ko. They actually offered me a one-month leave, pero hindi ko na sinagad. Hindi naman ganun kalala ang kondisyon ko para mag-leave ng ganoon katagal. Besides, baka ma-bored lang ako sa apartment. Hindi naman kasi araw-araw pumupunta si Tita Norin doon.

Rae and I returned to our desks, and a smile immediately spread across my lips as soon as I saw the basket of fruit on my desk. Natanggap ko ito kaninang pagdating ko, hindi ko lang muna masyadong pinansin. Bukod kasi sa kabado ako kanina pagdating, kailangan ko munang ayusin ang leave ko. Now that I've taken care of everything and am still on a break, mapagtutuunan ko na ito.

Umupo ako sa swivel chair ko at kinuha ang note na sa ibabaw ng mga prutas. Binasa ko ang nakasulat doon. The smile across my lips widened. What Mr. Darknight wrote is just a simple message to cheer someone up, but it made butterflies flutter in my stomach.

“Anong sinabi ng Mr. Darknight at grabe kang makangiti diyan, Keira?” usisa ni Rae na naramdaman kong nasa likuran ko na at nakasilip sa note na nasa kamay ko.

Mabilis kong binaba ang hawak kong note at pataob itong nilapag sa ibabaw ng desk ko. Nakataas ang isang kilay kong inikot ang swivel chair paharap sa kanya.

“Kei naman... huwag madamot. Pwede mo namang i-share,” nakangusong salubong niya sa'kin.

I made a face, disregarding her request. "Come on, Rae. Learn to give someone some privacy sometimes," sikmat ko, but Rae didn't budge. Nginisihan niya lang ako. She even crossed her arms in front of me and eyed me with obvious interest.

“Sigurado ka na ba sa pagmo-move on mo kay Engr. Deogracias?”

Puminid ang labi ko sa narinig.

“He's your first true love, right? Sigurado ka na bang ipagpapalit mo na siya kay Mr. Darknight?” Rae added, even smiling at me teasingly.

With lips still pressed, seryosong tinitigan ko lang si Rae. This is why I don't want her to know na nag-uusap kami ni Levi nitong mga nakaraang araw. Kapag nalaman niya, baka katakot-takot na tanungan tungkol sa feelings ko kay Levi ang gawin niya.

I straightened my face. “Don't start, Rae. Magtrabaho na tayo, baka makita na naman tayo ni Ms. Aya,” seryosong sabi ko at inikot na ang swivel chair paharap muli sa desk ko.

Narinig kong bumubulong-bulong pa si Rae, pero hindi ko na siya pinansin.

***

       “DITO NA LANG HO, MANONG,” para ko kaya itinigil ng driver ang tricycle niya sa harap ng mataas at puting arko na may pangalan ng private memorial park.

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon