Kabanata XVIII: HINDI KOMPORTABLE

237 3 2
                                        

HINDI KOMPORTABLE.
- - -

"LEV, NAG-USAP NA BA KAYO NG DADDY MO?"

Napatigil sa pagsubo si Levi sa tanong ni Tita Rose.

Inabot muna ni Levi ang baso sa kanyang gilid at uminom ng tubig.

Nandito kami sa kusina na kanugnog ng patio. Levi is sitting next to me, while Tita Rose is across from us. She's not eating, she's just watching me and Levi have our lunch. Hindi namin kasama si Jessie. Nagpaalam ito na may pupuntahan.

After setting his glass down, Levi finally responded to Tita Rose's question. "We talked the other night," seryosong sabi niya.

"I see. So he told you na uuwi siya next month?"

"Hmm," tipid na tango ni Levi at ibinalik ang atensyon sa pagkain.

I felt a bit of tension in the air until Tita Rose exhaled a deep sigh. She looked away from Levi and forced a smile at me when our eyes met. Ramdam ko ang kabigatan ng loob niya sa mga ngiting 'yon. Why? Are Levi and his father not on good terms?

Come to think of it, I never heard Levi mention his dad before. Natapos akong kumain habang iniisip ang mga iyon.

Nagsimula namang mag-kwento si Tita Rose tungkol sa mga bagay-bagay, probably trying to ease the awkwardness of bringing up Levi's dad.

"I'm already a widow, Keira. My husband was a soldier. Namatay siya sa engkwentro laban sa mga rebelde nang madestino siya sa Masbate. Jessie's still in high school at that time." Pain and sadness registered on Tita Rose's face while saying those.

Nandito pa rin kaming tatlo sa kusina. Tapos na kaming kumain ni Levi at nagpapababa na lang ng kinain. Nakatutok si Levi sa cellphone. Meanwhile, Tita Rose and I talked about stuff until she opened up about her late husband, Levi's uncle.

"Kaya ako na lang mag-isa ang nagpapalakad dito sa villa na siyang minana niya sa mga magulang niya." Tita Rose continued, her eyes now teary.

I gave her a sympathetic smile. "Sorry to hear that po..."

Umiling si Tita at pilit na ngumiti. "No, it's okay. Matagal-tagal na rin naman 'yong nangyari kaya kahit paano... natanggap ko na."

Iniba ni Tita ang usapan namin. Inabot ng 20 minutes ang pag-uusap namin sa tungkol sa isa't isa bago niya kami niyaya sa sala, na isang maiksing pasilyo ang dadaanan pagkalabas ng kusina bago ito marating.

A bright and airy living room welcomed us. The floor is painted a light maple color. In the middle of two white couches is a glass mini-table with a transparent glass vase in the center. May lamang tubig ang glass vase at dalawang tangkay ng redrose na halatang kapipitas lang. Sa isang wall, may nakasabit na dalawang minimalist canvas painting.

Tita Rose invited us to a room on the second floor. We climbed the grand staircase in the living room. It's a wooden staircase with treads and handrails painted in half-tone maple, while the riser and baluster are painted white.

"I hope it's okay for you to share a room with Lev," alanganing tingin ni Tita Rose sa'kin habang inaakyat namin ang hagdan. Magkatabi kami habang nasa likod namin si Levi na hawak ang travel ko at walang imik.

"Nasa second floor ang lahat ng kwarto dito at lima lang sila. Naka-reserve na rin ang room sa kabilang guesthouse para sa darating na bisita si Jessie na tutuloy dito sa villa. Pero kung hindi kayo komportable na magsama sa isang kwarto baka magawan ng—"

"It's okay po. I'll share a room with him," nakangiting salo ko kay Tita Rose.

Tita Rose smiled at me before she glanced at Levi. "Okay lang ba sa'yo, Lev?" she asked Levi.

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon