Kabanata XII: PRICE TO PAY

327 40 5
                                        

WARNING: This work contains mature themes and explicit content intended for adult audiences only (18+). Reader discretion is strongly advised. If you are under 18 or uncomfortable with such material, please refrain from reading further.

* * *

Price to Pay.

________________________________________

"STOP DRINKING, Levi. You're too drunk," pigil ko sa braso niya. We were at the counter and he's sitting on the bar stool.

"Huwag mo akong pakialaman," kalmadong sabi niyang hindi ako tinatapunan ng tingin. Sinenyasan niya ang nakatayong waiter to asked for another Belvedere bottle while I remained beside him.

"Levi..." I tried getting his attention, but he ignored me.

Ilang saglit pa, dumating na ang waiter dala ang order niya. Mariing puminid ang labi ko nang ilapag na ng waiter sa harap ni Levi ang bote ng vodka.

Nagpasalamat siya sa waiter bago niya inabot ang rock glass at inilapit ang bote ng alak sa kanya. Dahil sa kalasingan, nanginginig ang kamay niyang nagsalin ng vodka sa kanyang rock glass kaya natapon ang ilang patak ng alak habang pinupuno niya ang kanyang baso.

He immediately brought the glass full of vodka to his mouth. He was about to guzzle it straight when I gripped his wrist.

Levi shot me a piercing stare. "Leave me alone," he said darkly.

His expression didn't scare me. Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa rock glass kaya nabitawan niya 'yon. The glass fell to the floor and broke! The shattering sound it made caught the attention of other people inside the bar!

"You're so annoying, woman!" angil niya sa'kin sa naka-igting na mga panga.

Kasabay ng pagtayo niya ang paglapit sa'min ng isa pang waiter para linisin ang mga bubog na nagkalat sa sahig.

Bago ko pa mapigilan si Levi, mabilis na siyang naglakad palabas ng bar. I was about to chase after him, but a waiter blocked my way.

"Sandali, ma'am. Hindi pa ho nakakapag-bayad ang boyfriend n'yo," ani ng waiter saka inabot sa'kin ang bill ni Levi.

I breathed out furiously. Kung hindi lang ako nagmamadali, nasapok ko na ang waiter na 'to!

"Alam mo ikaw...wrong timing ka rin, ano?" inis kong sabi sa waiter bago ko siya inabutan ng 5 thousand bill.

Iritableng iniwan ko ang waiter at hinabol si Levi. Lakad-takbo ang ginawa ko habang papalabas ng bar. Hindi ko inintindi ang siksikan at mainit na daan palabas. Wala rin akong pakialam kung may nababangga ako. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay maabutan siya!

I tried not to fall kahit hinihingal na ako. I'm struggling dahil naka-high heels ako.

Naabutan ko siya na nakatayo sa gilid ng kanyang gray BMW na nakaparada sa harap ng bar.

He must have felt my stares towards him kaya tumingin siya sa direksyon ko.

"Bakit mo ako sinundan?" he asked in his tensed jaw. Rage's evident in his eyes.

I bit my lip and inched closer to him. "You can't drive. Lasing ka na, Levi—"

He cut me off coldly. "So?"

"Let me drive you home..." Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa handle, pero napabawi ako agad ng kamay nang matalim niya akong tiningnan.

Napakatalim ng titig na 'yon, as if he was trying to harm me with that.

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon