Kabanata XLVIII: THE ARCHITECT VS. THE ENGINEER

188 3 2
                                        

The Architect vs. The Engineer.

____________________________________________________

        FOR THE PAST THIRTY MINUTES, I seethed in irritation while he remained comfortably seated across from me—acting as if he wasn't the reason behind my bad mood… until someone who emerged from an office-like room called him over.

Sa kanyang pagtayo, halos malaglag ang panga ko nang makilala ko kung sino ang kumakaway sa kanya. It's Mr. Sandeco, one of our former clients. If he's the 'friend' Levi mentioned earlier…then that means he also owns Nexus Bar?

“My friend's calling me. Pupuntahan ko muna siya, pero babalik din ako agad,” paalam niya sa'kin na inirapan ko lang.

He chuckled at that bago siya sumulyap kay Drake na nakaupo sa dulo ng lamesa. Nag-iwan siya dito ng seryosong tingin, na para bang binabalaan ito sa balak nitong gawin sa sandaling umalis siya sa lamesa.

       NAKASUNOD ang matalim kong tingin sa kanya habang lumalapit siya kay Mr. Sandeco—na kahit nakasuot ng itim at fit na T-shirt at cargo shorts—still exudes an effortless charm. His features were strikingly close to Le—mariin akong umiling, snapping myself out of that absurd comparison!

Mabilis akong nagbaba ng tingin at pinagtuunan ang shotglass sa harapan ko. Marami pa ring alak sa table namin. Mukhang sinulit ng mga ka-trabaho ko ang panlilibre niya. Some of them even looked like they’re planning to take home a bottle or two.

“Kei… t-that man… si Mr. Sandeco ba 'yon?” Rae's voice slurred beside me as she poked my arm. Nakabalik na siya mula sa restroom.

Nilingon ko siya at nakitang nakaupo na ulit siya sa tabi ko.

Tinaasan ako ng isang kilay ni Rae kaya sinagot ko na ang tanong niya.

“Oo, siya nga,” I said dryly.

“Ohh, so magkakilala sila ni Engr. Deogracias.” Ngumisi sa'kin si Rae na ang mga mata ay namumungay na, halatang nalalasing na, pero hindi katulad ng iba naming lasing na kasama na wala ng pakialam sa ibang nangyayari, Rae is still in her senses—thanks to the juicy gossip unfolding before her!

“Alam kaya ni Engr. Deogracias na niligawan ka ni Mr. Sandeco?” nanunudyong tanong ni Rae sa’kin.

 I tsked.

Tinawanan naman ako ni Rae. “Ano kaya ang magiging reaksyon ni Engr. Deogracias kapag nalaman niya?”

“Wala akong pakialam sa reaksyon niya,” seryoso kong sabi.

Inismiran ako ni Rae, pero agad ring napalis nang nakangiwi siyang napahawak sa ulo niya. “Darn it! I'm getting so drunk,” reklamo niya.

Nginiwian ko rin siya. “Yeah, you are. Kaya tumigil ka na sa pag-inom. Call your boyfriend para masundo ka na niya,” I said, expecting her to complain, pero mas inismiran niya lang ako.

“Mamaya na. Kaya ko pa. Sulitin ko muna ‘tong libre ng manliligaw mo.”

“He's not my suitor,” matigas kong tanggi bago ko sinaid ang natitirang alak sa baso ko.

“Not a suitor daw. Eh anong tawag mo sa mga ginagawa niya lately, charity?” pamimilosopo ni Rae, na pinili kong huwag na lang sagutin.

Sirang-sira ang gabi ko, ayoko nang lumala pa!

Nang makitang wala na siyang makuhang sagot sa’kin, hinarap na lang ni Rae ang alak niya. Ako naman ay palihim na sinulyapan si Drake na nakaupo pa rin sa dulo ng mesa. Tumikhim ako, I was about to call his attention when one of our male co-workers approached him.

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon