Mr. Darknight.
_________________________________________NANG SUMUNOD na araw, binalik ko kay Rae ang bag niya. And of course, hindi ko sinabi sa kanya ang naging pagkikita namin ni Levi at ang sinabi niya sa’kin. I didn't want her to start bombarding me with questions about Levi all over again. Hindi naman na nagtanong si Rae sa’kin, she stayed quiet about Levi but that didn’t last long…
"Kei, pinapaakyat ka ni Ms. Aya sa office niya," bungad sa'kin ni Rae pagkababang-pagkababa ko pa lang ng mga gamit ko sa desk ko. 10:30 AM na ako nakabalik dito sa firm. Galing ako sa isang site visit.
"Anong meron?" kunot-noong tanong ko.
"Basta," kibit ni Rae. "Pumunta ka na lang sa office ni Ms. Aya para malaman mo."
Lalo akong napakunot. Nakaramdam din ako ng kaba. Of course, I would! Maayos na maayos naman ang pag-uusap sa pagitan namin ng kliyente. Wala rin namang nangyaring aberya sa site kanina kaya wala akong kaide-ideya kung bakit ako pinapatawag ng Project Manager namin!
Iniwan ko si Rae at umakyat na sa office ni Ms. Aya. May elevator ang building, pero under maintenance ito kaya nag-hagdan na lang ako. Sanay naman na ako sa hagdan kaya hindi na ako nahirapan sa pag-akyat.
Ilang minuto lang, nasa harap na ako ng office ni Ms.Aya. Kumatok muna ako bago ko tinulak ang nakaawang na pinto saka pumasok sa loob.
"Good morning, Ms. Aya...pinapatawag n'yo raw ako—" Natigilan ako nang makita kung sino ang nakaupo sa harap ng table ni Ms. Aya. What is he doing here?
"Keira, come here..." Nakangiting bungad sa'kin ni Ms. Aya na nakaupo sa kanyang swivel chair.
I moved my feet and wore a straight face as those dark brown eyes that looked like mine watched me as I made my way over to Ms. Aya. I finally stopped in front of her and didn’t pay attention to the person sitting next to me.
At the same time, though he’s not saying anything, his commanding presence stands out with his dark gray business suit. It's been a week since I last saw them at the trade show. He didn't see me, but Levi did.
Ang malalim na pagtikhim niya ang pumilit sa'king tumingin sa kanya.
"Ms. Montes, if you don't mind, could you please excuse us for a moment? I just want to have a private conversation with my daughter."
Bukod sa mabilis na pagkunot ng noo ko, mariin ring puminid ang mga labi ko. I'm now irritated at Dad's disrespect. This is our Project Manager's office, how could he ask something like that to the owner of this place?!
"No problem, Mr. Yturralde." Pormal na ngumiti ni Ms. Aya kay Dad bago siya tumayo at umalis sa kanyang table. Nag-excuse siya kay Dad bago siya tumingin sa'kin.
"Maiwan ko na kayo, Kei," paalam niya sa’kin bago siya lumabas ng opisina.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa pagitan namin ni Dad pagkaalis ni Ms. Aya. I broke it first. I even cleared my throat to ease the tension in the air.
"So…" I took the seat across from my father and equaled his serious gaze. "What did you want to talk to us about?" blankong tanong ko.
Nagtagal sa'kin ang seryoso at puno ng intimidasyon na tingin ni Dad. "I want you to work for our company," aniya.
My brow shot up. "Are you asking me to resign here?"
Dad eyed me even more seriously. "Yes."
I gave him a disbelieving look before firming my expression. "I won't do that," mariing tanggi ko.

BINABASA MO ANG
One Last Time
RomanceAll she wants is to get his elusive love so when the opportunity comes, hindi na siya nagdalawang-isip pa na isagawa ang plano---ang akitin ito sa kahit anong paraan! Pero tila hindi sasang-ayon sa kanya ang kalangitan, dahil hindi magiging madali s...