Kabanata XXIV: WORTHLESS

51 1 0
                                    

WORTHLESS.
_______________________________________


I ALREADY PULLED myself together before Irinne parked her Maserati in front of our gate. Mabilis kaming nakauwi dahil weekend, dis oras na rin kaya kaunti lang ang sasakyan sa daan.

"Salamat sa pagsundo at paghatid, Ai. I really appreciate it. I'll see you and Anj tomorrow," sabi ko kay Irinne mula sa nakabukas na bintana sa tabi ng driver's seat pagbaba ko.

"Alright, see you tomorrow. Take care, Kei. Have a rest," she said before rolling up the car window and driving off.

My eyes tailed her Maserati until it disappeared from my view.

"Ma'am Keira?"

Napalingon ako sa family driver namin na siyang nagbukas ng gate para sa'kin.

Tinanguan ko lang siya bago ako pumasok ng gate. I stopped in my tracks when my phone vibrated. I took it out of my leather jacket pocket to see who texted me.

From Loves: Nasaan ka?

My face straightened. It's just a text, but I could feel his seriousness in it. I could picture his expression while typing that message. Mukhang hindi pa sila nagkaka-usap ni Tita Rose...

I returned my phone to my pocket. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa main door, but my forehead suddenly creased when I saw a familiar blue Audi parked in front of our mansion's main door.

Lumapit ako sa main door at agad sumalubong sa'kin ang napaka-seryosong ekspresyon ni Dad na lumabas mula doon. Parang inaabangan talaga niya ang pagdating ko.

"Keira." There's rage in Dad's firm voice as he calls me.

I nervously swallowed. "D-Dad---" A sudden numbness spread across my left cheek when a hard and heavy hand landed on it! Sa lakas ng pagkakasampal ay napabiling ang mukha ko sa gilid. Pakiramdam ko ay naalog ang utak ko.

Kasunod nito ay ang pagsigaw ni Tita Norin na humahangos palapit kay Dad!

Sapo ang namamanhid kong pisngi, humarap ako kay Dad. Sinalubong ako ng madilim na madilim na mukha niya.

"Masyado ka bang in-spoil ni Anna Leigh at hindi ka natuto ng delikadesa?!" Dad's thick voice boomed.

I, on the other hand, confusedly looked at my enraged father. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sa'kin ngayon.

"Akala mo ba ay hindi ko alam ang kagagahang pinaggagawa mo?!"

Kumunot ang noo ko, pero hindi ko nagawang makapagsalita dahil inunahan na ako ni Dad sa nanlilisik niyang mga mata habang nakatingin sa'kin.

"I asked someone to keep an eye on you, and what I found out is such a disgrace!" asik niya sa'kin. "You know that man is your sister's ex-boyfriend, yet still you're chasing after him like a very desperate woman! At sumama ka pa talaga sa kanya sa probinsya. What were you thinking, Keira?!"

Napapitlag na ako sa lalong pagdagundong ng boses ni Dad. Malakas na ang pagsigaw niya kanina, pero mas malakas pa ang pagsigaw niya ngayon. Halos pumutok na ang mga litid sa kanyang leeg sa sobrang paglantad nito.

"I've heard a lot of bad things about you, even from your own mother, but I didn't know you're this worse!"

Marahas akong napasinghap. Parang punyal ang mga salita ni Dad na bumabaon sa dibdib ko.

"Every time I call Leigh to ask about you, all I hear from her are her complaints about the trouble you're causing! Puro sakit ng ulo ang binigay mo sa kanya! Your behavior at your old school to the friends you're hanging out and drinking with, na hanggang dito sa Pilipinas ay dala-dala mo pa rin!"

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon