Kabanata XLV: A DEDICATED SONG FOR A KISS

263 5 0
                                        

A Dedicated Song For A Kiss.
_____________________________________________

NAGPAALAM KAMI ni Rae kay Ms. Aya bago kami sabay na lumabas ng firm. Out na namin at pupunta kami sa memorial park ngayon para bisitahin si Anja, bago pa niya ako bisitahin sa apartment ko. Yesterday marked the 1st anniversary of our accident and also the death anniversary of her and Irinne. Hindi ko lang siya nadalaw kahapon dahil nga kinailangan kong komprontahin si Dad.

Sasakyan ni Rae ang ginamit namin papunta sa sementeryo. Naka-maintenance ang Audi ko kaya nag-taxi lang akong pumasok kanina.

Bago dumiretso sa sementeryo, dumaan muna kami sa isang flower shop. We bought a small potted Pink Carnation, Anj's favorite. Bumili rin kami ng prutas sa mga nagtitinda sa tabi ng kalsada para sa offering.

"So, it is him kung bakit nakabusangot kang bumalik sa firm kaninang tanghali," Rae commented after I answered her interrogation. Nagtanong siya kung anong nangyari sa'kin bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ko pagbalik mula sa restaurant. I told her the truth.

"Yes," walang amor na reaksyon ko bago ko ibinaling ang mga tingin sa labas ng bintana. Malapit na kami sa memorial park.

Tuyo at nalalagas na Carnation na nakatanim sa paso ang bumungad sa'min ni Rae nang makarating na kami sa puntod ni Anja. We're already here in the middle of the private memorial park.

I greeted Anja at katulad ng ginawa ko noong huling dumalaw ako sa kanya, lumuhod ako sa harap ng puntod niya at inilagay ko sa ibabaw noon ang nakapasong Carnation at prutas na binili namin ni Rae. Hindi naman ako nahirapan sa pagluhod dahil naka-corporate slacks naman ako. Isa-isa ko ng binunot ang mga bagong tubong ligaw na damo sa paligid ng puntod. Habang ginagawa ito, kinakausap ko si Anja about random things. Lumuhod na rin si Rare at nakibunot ng mga damo.

"Bye, Anj. See you next time," nakangiting paalam ko habang nakatingin sa lapida ni Anja. Tumayo na ako at pinagpag ang bandang pang-upo ng corporate slacks ko para tanggalin ang mga hibla ng mga damong kumapit doon sa pagsalampak ko sa damuhan kanina.

"So? May pupuntahan ka pa ba after nito?" tanong ng katabi kong si Rae.

Bumaling ako sa kanya saka umiling. "Wala. Diretso uwi na ako sa apartment," sagot ko.

Tumatango-tango si Rae. "Is that so? Yayayain sana kitang mag-bar ngayon eh," aniya saka ngumisi sa'kin.

Nagkibit-balikat ako at umiling ulit. "Not now. Wala ako sa mood uminom."

Rae sighed defeatedly. "Sige, next time na lang."

Sabay kaming naglakad ni Rae palabas ng memorial park. Madilim na pagkalabas namin. At kasing dilim ng naabutan namin ang pagdilim ng mukha ko pagkatapos kong makita ang gray na BMW na nakaparada sa tapat ng entrance gate ng sementeryo at sa likod ng sasakyan ni Rae. It's his! At tumaas na ang isang kilay ko nang bumukas ang pinto sa tabi ng driver's seat, lalo na nang prente siyang bumaba mula roon. Hindi katulad ng suot niya kanina sa restaurant, he's in a gray collared shirt, the hem slightly tucked into his black pants, which were accessorized with a black belt featuring a silver buckle. He paired that outfit with black socks and black leather lace-up shoes, and I had no idea where he was trying to go with that outfit.

"Ang gwapo..." namamanghang singhap ni Rae, clearly enjoying the sight in front of her.

Lalong dumilim ang mukha ko nang nagsimula na siyang lumapit sa'min at hinahayaan ang panggabing hangin na tangayin ang iilang hibla ng kanyang buhok, habang lalo namang lumakas ang singhap ng katabi ko.

"He's coming," excited na bulong ni Rae, na pasimple pa akong siniko dahilan para lingunin ko siya ng may matalim na tingin.

Rae didn't pay attention to my glare. Rather, itinutok niya ang tingin sa taong papalapit sa'min na kung makatingin sa mukha ko ay parang gusto niya itong tunawin.

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon