Kabanata XXI: AM I ALREADY INSIDE?

331 4 0
                                        

AM I ALREADY INSIDE?
________________________________________

MADILIM NA NANG umalis sila sa ilog.

"Mauna na kami, Balong baka kanina pa naghihintay sa'min ang asawa ko," paalam sa kanya ni Mang Ramon.

Magalang siyang tumango dito. "Sige ho, Mang Ramon. Salamat ho sa pagyaya n'yo sa'kin."

"Sumama ka ulit sa'min kapag nagkita ulit tayo, Lev." Nakangiting pahabol sa kanya ni Ransel bago ito sumunod sa ama nitong nagsisimula nang maglakad palayo.

Hinatid niya ng tingin ang mag-ama. Nang medyo malayo na ang mga ito, saka pa lang siya humarap sa direksyon ng kanilang guesthouse.

Habang naglalakad pabalik sa kanilang guesthouse, he shivered as the chilly wind crept through his body when the strong sea breeze blew. Basa na rin kasi ang T-shirt niya, nabasa ito ng cargo shorts niya na inilublob niya kanina sa ilog.

Tahimik ang sala nang makarating siya sa guesthouse. He went straight to Renz's room. Magsha-shower muna siya bago hanapin ang mga pinsan. Mabilis naman niyang nagawa ang pakay. Lumabas na siya at naabutan sa labas ang kanilang caretaker.

"Mabuti't lumabas ka na," bungad nito sa kanya.

"Tatawagin pa lang sana kita. Naghihintay sa'yo ang mga tiyahin at mga pinsan mo..." bahagya itong natigilan nang mapatingin ito sa likuran niya, parang may hinahanap.

Hindi naisip kung bakit, tinanguan niya ang caretaker. Umalis na siya sa harap ng silid pero agad ding natigilan. He roamed his eyes around. He couldn't quite figure it out, but he felt like something was missing.

He shook his head, dismissing that thought. He shouldn't mind nonsense things. Sumunod na siya sa caretaker na nauna nang bumaba.

SABAY-SABAY na lumingon sa kanya ang mga pinsan, ang Tita Rose niya pati na ang Tita Asul niya na nakaupo sa lamesa nang marinig ng mga ito ang pagpasok niya sa kusina.

"Oh, nasaan ang kasama mo?" Nakakunot-noong bungad sa kanya si Renz.

Natigilan siya at napakunot-noo, lalo na nang tumingin pa ito sa likuran niya. Shit! He forgot about Keira!

"Bakit hindi mo kasama si Keira?" tanong ng Tita Rose dahilan para mapatingin siya rito.

"Nasaan siya? Ang sabi ni Ate Josie nagpaalam siyang maliligo sa dagat at babalik din kaagad. Pero hanggang ngayon, hindi pa namin siya nakikita. Akala ko magkasama kayo," sabi pa nito na bakas sa mukha ang pag-aalala.

Hindi siya nakaimik. Naisip niya si Keira kanina, pero siguro, masyado lang siyang nawili sa ilog kaya nawala ito sa isip niya.

Umismid sa kanya si Renz. "You ditched her?"

He frowned at Renz. Just as he was about to leave the kitchen, nagsalita ang Tita Rose niya.

"Kumain ka muna, Lev. Mamaya mo na siya hanapin," seryosong sabi nito kaya sinunod na lang niya ito. Lumapit siya sa bakanteng upuan sa tabi nito at umupo roon. Nasa harapan niya sina Jessie, Shay at Renz.

Inabot agad sa kanya ni Jessie ang lalagyan ng kainin.

"Lev, nag-away ba kayo?"

Natigil sa pagsubo ang lahat sa biglang tanong ng Tita Asul niya na katabi ng Tita Rose niya. Binasag nito ang katahimikan sa loob ng kusina.

Nagkatinginan sila ni Shay, pero agad din silang nagbawi ng kanya-kanyang tingin. Nilingon niya ang katabing tiyahin na naghihintay pa rin ng sagot niya.

"Hindi po, Tita," pagtatakip niya. Ayaw niyang magalit ito sa anak nito kapag malaman nitong nagkasagutan sila ni Keira dahil kay Shay.

Mataman siyang tinitigan ng tiyahin. Hindi ito nagsalita at ibinalik lang ang tingin sa plato nito.

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon