Kabanata XLIX: DECLARATION

170 3 0
                                        

Declaration.
_______________________________________________

NAPAUNGOL AKO sa nararamdaman kong hapdi mula sa init na kumakalat mula sa pisngi ko hanggang noo.

Habang tumatagal, mas lalong lumalala ang hapdi, kaya bumalikwas na ako ng upo sa kama at mabilis na nagmulat.

Sa pagmulat ko, tumambad sa'kin ang floor-to-ceiling na bintana sa tabi ng kamang kinauupuan ko ngayon. Naka­bukas ang bintana kaya kitang-kita ko roon ang mataas na palang sikat ng araw na pumapasok mula sa bintana at siyang gumising sa'kin.

I scanned the room, and the white walls with dark navy trims were revealed to me. Next to the door is a cabinet with my bag on it and a golden Eiffel Tower figurine.

My brows knitted. This room... I have a bad feeling about it...

Oh shit! I jumped out of bed so fast when the pounding headache hit me! Napangiwi ako, pero ang pag-ngiwi kong 'yon ay agad na napalitan ng pagkalaglag ng panga when I realized what I'm wearing! What the heck!

Malinaw sa isip ko na isang loose v-neck tank at itim na skirt ang suot ko bago ako nawalan ng malay kagabi... why am I dressed like this?!

A plain white T-shirt that barely grazes my mid-thighs, and the only thing I'm wearing under it is my black panty! Where are my blazer, top, and skirt? More importantly-where's my bra?!

Hindi ako baliw kapag nalalasing, kaya kung naalimpungatan man ako kagabi, sigurado akong hindi ako ang nagpalit ng damit ko, lalong-lalo nang hindi ako ang naghubad ng bra ko!

Freaking out and completely forgetting about my pounding headache from the hangover, I stormed out of the room in this outfit! I didn't even bother fixing my messy hair. I walked, and my feet knew exactly where to go like they've been here before-siya nga ang naghatid sa'kin...hindi sa apartment ko kundi sa unit niya!

Mabibigat ang mga hakbang kong hinanap siya sa sala. Nang hindi ko siya nakita doon, dumiretso ako sa kusina! Natagpuan ko siya doon--naka-puting T-shirt na kaparehas sa suot ko, nakaharap siya sa kalan at nakatalikod sa'kin. I could smell what he's frying, but I ignored it! Kasabay ng pagkulo ng mantika sa kawaling pinaglulutuan niya ang pagkulo ng iritasyon sa sistema ko!

"Why did you bring me here? Bakit hindi mo ako inuwi sa apartment ko?!" My dark voice immediately filled the peaceful kitchen, na nagpalingon sa kanya.

"You're awa---" His warm smile greeted me as soon as he faced me, pero nabitin sa ere ang pagsasalita niya nang mapako ang tingin niya sa dibdib ko. His Adam's apple moved up and down aggressively, which made my eyes shrink! I quickly crossed my arms over my chest to hide my nipples poking through my shirt! Shit! Nasaan ba kasi ang bra ko?!

Narinig ko ang pagtikhim niya. Tumingin ako sa kanya at nakita ang ngiti niyang mas malapad na ngayon!

I gritted my teeth. Ngali-ngaling kalmutin ko ang mukha niya para burahin ang ngiti niyang 'yon! But I just got more annoyed when he nonchalantly turned his back on me again to focus on the stove.

"Umupo ka na. Malapit na itong maluto," kaswal niyang sabi habang nakatalikod.

Marahas naman akong huminga at matalim na tiningnan ang likod niya, hoping he would just disappear! But he didn't! Nakangiting humarap siya sa'kin, now holding a plate with hotdogs and sunny-side-up eggs!

I kept my sharp stare at him, lalo na nang lumapit siya sa mesa. "How was your sleep? Did you sleep well?" tanong niya habang nilalapag sa lamesa ang platong hawak niya.

Hindi ako sumagot at tumingin lang sa mesa. Doon ko lang napansin na may tasa ng kape at sinangag na nakahain doon.

I wrinkled my nose, nilalabanan ang pagkalam ng sikmura ko mula sa amoy ng mga nakahain sa lamesa. I'd rather starve than eat his food.

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon