CHAPTER III

13.1K 396 76
                                        

Reminder: This chapter has been revised, Something has been added and something changed here.

___________________

Talia Haven Juárez

"Ma'am ano po ba talaga ang kailangan niyo sa akin?" seryosong tanong ko sabay ayos ng upo.

"Nothing" sagot ni ma'am habang naka ngiti pa rin.

"Your presence is so captivating that I can't help but be drawn to it." nakangiting dagdag ni ma'am na ikina kunot ng noo ko.

Kahit malalim pa iyan isa lang meaning niyan.

Naintindihan ko e.

Ako pa.

Pinapunta lang niya ako dito para lang titigan.

"Adik ka ba?" tanong ko na ikinatawa niya pa at ikina laglag panga ko naman.

Huy! Nabibigla ako dito kay ma'am ah.

Jusko po parang ayoko ko ng umuwi.

Yung kaninang inis ko sa kanya, walang wala na.

Sarap sa tenga nung tawa ni ma'am.

Grabe!

Ang ganda niya talaga.

Sobrang sobra.

"Yes? I think I'm addict" sagot ni ma'am. "accro à vous" dagdag niya pa.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni ma'am.

Ang hilig niya mag french.

"Puro ka french ma'am, sige ka mag mumukha kang french fries diyan" saad ko saka tumawa na ikinaseryoso niya.

Opss wrong move.

"Ah ma'am, wala ka naman po palang kailangan sa akin kaya mauna na po ako" dagdag ko sabay tayo at sinuot yung bag ko.

"Where are you going?"

"Library po" sagot ko na ikina titig niya ng diretso sa akin.

"Okay, I'll come with you" saad niya sabay kuha nung phone at ballpen niya na nasa table.

"Ikaw po bahala" sabi ko nalang saka nauna nang naglakad papunta sa pinto at binuksan ito saka na una ng lumabas.

"Wait! you walk so fast" halatang naiirita na si ma'am dahil sa tono ng boses niya.

Eh siya nga kanina ang bilis rin nag reklamo ba ako?

Hindi diba?

Kaya bahala siya diyan.

"Damn you! I said wait!" galit na sabi ni ma'am na ikinatigil ko agad.

"Ma'ammmm!" gulat na sigaw nang kuritin ako sa tagiliran ko nung natapatan niya na ako.

"You deserve that." seryosong saad ni ma'am saka sinamaan pa ako ng tingin.

"Kasi sabay sabay pa, hindi nalang maglakad mag isa" bulong ko.

"Are you saying something?" tanong niya sabay taas pa ng isang kilay.

"Wala ma'am, tara na po" sabag pilit ngiti kong saad.

Sabay na kaming naglakad ni ma'am hanggang sa makarating na kami dito sa library.

Pagkapasok namin ay sobrang tahimik.

Kaya nga library e.

Medyo shunga lang.

Iniwan ko na si ma'am nang matapos kaming mag log in at nang mailagay ko na yung bag ko sa locker.

ARRHYTHMIAWhere stories live. Discover now