CHAPTER XV

9.8K 417 162
                                        

Reminder: This chapter has been revised, Something has been added and something changed here.




___________________

Talia Haven Juárez

Friday na ng umaga at wala ako sa mood hindi ko kasi naabutan sila ma'am sa bahay niya para sana sunduin at ako na ang mahatid sa kanila pero maaga daw kasi sila umalis sabi nung kapitbahay niyang matandang lalaki.

"Hoy babe ang lalim naman yata ng iniisip mo. Ako ba yan?." jusko ang aga naman mangbwisit nito.

"Not now yesha baka masipa kita diyan."

"Ay wala sa mood yarn? okey sarrey sarrey store." natatawang saad nito na ikina irap ko naman sa kanya.

Isang linggo na ang nakakalipas simula nang lumipat dito si yesha.

Madali lang naman siyang pakisamahan kaya ang dami niya agad kaibigan.

"Nasaan ba si nath?" walang gana kong tanong.

"Teka hindi mo alam?" huminto ako agad sa paglakad saka siya hinarap na ikinahinto rin niya.

"Na?" seyosong tanong dahil hindi ko talaga alam kung anong meron.

"Na ang ganda ko tas hindi mo ako gusto." samu't saring mura na ang nasa isip ko ngayon dahil nang gigigil na talaga ako. bumuntong hininga ako saka pilit na ngumiti.

"Hindi mo rin ba alam?"

"Na?" takang tanong niya na ikinagisi ko naman.

"Na kanina pa kita gustong sakalin." nanlaki naman bigla yung mga mata niya naka tingin sa akin pero agad rin nagbago ang emosyon nito yung kanina lang gulat ito sa sinabi ko ngunit ngayon naka ngiti na ito.

"O my god. Sure,mommy choke me basta sa bed." masayang saad niya na ikina gulat ko naman. Tangina talaga toh kahit kailan talaga hindi makausap ng matino

Sinasabi ko sainyo mas lumalala sapaw nito sa utak.

"Tarantado." may diin kong saad at sinamaan ko muna siya ng tingin bago naglakad na muli.

"Hoy babe! joke lang eh" natatawang sigaw nito na naka kuha nang atensyon ng iba.

Sa isang linggo nasanay na ako sa kakatawag niyang babe sa akin, huwag lang niya talagang iparinig kay ma'am nako ang hirap kaya manuyo.

Hindi ko nalang pinansin yung mga tumitingin sa amin na ibang tao dahil hindi naman nila ako pwedeng gawan ng issue dito mismo na pagmamayari namin.

"Sandali lang babe saan ka pupunta huy!" huminto muli ako sa paglalakad at muli siyang hinarap.

"Sa room." natawa naman ito bigla sa sagot ko.

"HAHAHA anong gagawin mo doon? eh walang klase ngayon."

"Huh? Wala?" naka kunot noo kong tanong sa kanya na ikina tango naman niya agad.

"Yup nasa gymnasium sila e pati na si nath nanduon rin . Kanina pa nga kita hinahanap para sabihin sayo dahil sabi ni nath hindi ka daw mahilig mag check ng social media mo kaya for sure hindi mo alam kung anong ganap ngayon."

"Bakit ano bang ganap ngayon duon?" tanong ko na ikinangiti niya ng malaki.

"Basta. Tara na duon para malaman mo kung anong ganap duon." saad niya saka kumindat na ikinataas naman ng isa kong kilay.

"Tss ikaw nalang. Sa library na lang ako mag papalip- pota hoy!" hiyaw ko nang bigla akong hilain nito

"Nahh sa gymnasium tayo." wala na akong nagawa ng patuloy parin ako nitong hilain papunta sa gymnasium.

ARRHYTHMIAWhere stories live. Discover now