Reminder: This chapter has been revised, Something has been added and something changed here.
________________
Talia Haven Juárez
Dalawang linggo na ang nakakalipas at kasama ko pa rin itong batang makulit pero sobrang cute at sweet.
Nandito kasi kami ngayon sa sala, nanonood ng shrek habang kumakain ng popcorn.
Halos ganito routine namin tuwing gabi bago matulog.
Dalawang linggo na rin palang hindi pumapasok itong si kiara.
Ayaw niya pumasok, naalala niya siguro yung nangyare nuon
O kaya nasa isip niya e baka iwan ko siya o kaya hindi sunduin ganon.
Nakausap ko naman na siya tungkol duon pero ayaw niya talaga kaya ang ginagawa ko nalang ay pag uwi ko tinuturuan ko siya.
Yung about sa magulang niya?
Wala pa akong balita.
Si manong guard, hindi pa rin tumatawag sa akin.
Si dad naman wala pa rin balita at nahihirapan daw mahanap yung mommy nito kasi nga alli lang ang binigay kong pangalan dahil yun lang naman ang binigay sa akin ni kiara .
Kaya kanina tinawagan ko na yung isa sa friend kong investigator na mukhang pera.
Sampung milyon ba naman ang hininging bayad kapalit nung impormasyon na hinihingi ko.
Ano pa magagawa ko?
Edi nakipag deal na agad-agad.
Siya pa mismo nag bigay ng deadline para sa kanya.
Bukas ng umaga saktong five pa daw niya isesend.
Ang yabang talaga niya pero ayos lang sanay na ako don.
Ganon lang talaga siya.
Naaawa na ako sa mommy nitong si kiara kahit hindi ko pa ito nakikilala e ramdam kong nangungulila na ito.
Ang lala nga e sa dalawang linggo iniisip ko kung hinahanap pa rin ba siya ng mommy niya.
Malamang! Pero siguro?
Saturday na bukas at morning lang ang schedule ko.
Balak ko ngang igala itong si kiara bukas pag uwi ko para naman hindi lang puro dito sa cabin ko umiikot mundo niya huy.
Napatingin ako sa tabi ko nang naramdaman kong medyo bumigat yung braso ko iyun pala naka tulog na itong si kiara.
Napangiti ako habang pinagmamasdan yung mukha niya, ngayon ko lang na pansin may kamukha siya pero hindi ko masabi kung sino.
Dahan-dahan kong inalis ang pagkakadagan niya sa braso ko saka siya inayos ng higa dito sa sofa.
Tumayo na rin ako saka nagsimula nang ayusin yung kalat na nasa lamesa at pinatay ko na rin yung tv.
Nang maayos ko na lahat ng kalat ay maingat kong binuhat itong si kiara saka dinala sa kwarto ko at maayos na hiniga dito sa kama.
Matapos ay inilapag ko na rin sa taas nitong mini cabinet itong cellphone at wallet ko saka humiga na rin dito sa tabi ni kiara at sa paghiga ko ay bigla itong yumakap sa akin kaya napatawa nalang ako ng mahina saka siya hinalikan sa noo.
"Good night my little princess" mahinang sabi ko saka pumikit na habang may ngiti pa rin sa labi.
______________

YOU ARE READING
ARRHYTHMIA
Romance(g×g) [professor×student] Talia Haven Kazer Juaréz is a 4th-year college student who possesses exceptional intelligence and is known for her impressive academic performance. She comes from a family that is well-known and well-respected in their comm...