Talia Haven Juárez
Nagising ako nang may maramdaman akong gumalaw sa tabi ko kaya napamulat ako agad ng mga mata saka tumingin sa tabi ko.
Napangiti ako nang makitang nakayakap sa akin ang babaeng pinapangarap kong makasama habang buhay.
Pagkatapos kong sabihin kay ma'am ang salitang ' I love you' ay mas dumoble ang pagiging clingy niya sa akin.
Nung una galit pa siya dahil nga tama si yesha nakita nga kami ni ma'am na niyakap ako ni shien.
Na explain ko naman na kay ma'am kaya sa huli naintindihan rin niya.
Nakangiting pinagmamasdan ko ang napakagandang katabi ko.
"Ang ganda mo" mahinang sabi ko.
Napakagat ako ng ibabang labi ko nang gumalaw siya ng kaunti.
"Misis ko" halos bulong kong sabi habang inaayos ang buhok na humaharang sa mukha ni ma'am.
"Misis ko, gising na po, aalis na po tayo mamaya" bulong ko.
Dahan-dahan niyang iminulat niya ang mata niya saka ito ngumiti kaya napangiti rin ako.
"Good morning, my love" malambing niyang bati sa akin na ikinabilis ng tibok ng puso ko.
Gagi kinikilig ako!
"Good morning rin po misis ko" nakangiting bati ko pabalik.
Gulat akong napatitig sa kanya nang bigla niya akong hinalikan sa labi saka ngumiti ng malawak.
Ang sweet jusko.
Kung tatanungin niyo ako kung may lebel na kami.
Ewan!
Siguro?
"Parang ayaw ko na tumayo, ganito nalang tayo alli" saad ko na ikinangisi niya.
"Harutin mo nalang po ako hanggang mamaya" pagbibiro ko.
"You want?" seryosong tanong niya na ikinatango ko.
"Ay hindi po ako tatanggi diy-"
"Your lips burst" dagdag niya pa na ikina nguso ko.
"Misis ko naman" nagtatampong sabi ko na ikinatawa niya.
"You're so cute Ma femme" natatawa niyang sabi sabay hinigpitan pa ang yakap sa akin.
Natigil ang pagtawa ni ma'am nang may biglang kumatok.
"Mommy! Mommy!Kain na po tayo!" rinig naming sigaw na ikinatawa ko.
"Yung anak natin alli, nasa labas" saad ko na kaagad naman ikinabitaw ni ma'am sa pagkakayakap sa akin saka tumayo at naglakad papunta sa pinto.
Sa pagbukas niya ng pinto ay sinilip ko si kiara na ang lawak ng ngiti at may kasama pa siyang dalawang maids na may bitbit na tray
"Mommy sabi po ni lolo pogi, dito na daw po tayo kumain" masayang sabi ni kiara na ikinatango naman ni ma'am saka gumilid.
Pinasok na ng dalawang maid yung dala nilang tray ng pagkain at inilapag sa table sa gilid.
Nang naayos na nila ang pagkain ay lumabas na rin sila agad.
Sinara na ni ma'am ang pinto kasabay non ay tumayo na rin ako.

YOU ARE READING
ARRHYTHMIA
Romance(g×g) [professor×student] Talia Haven Kazer Juaréz is a 4th-year college student who possesses exceptional intelligence and is known for her impressive academic performance. She comes from a family that is well-known and well-respected in their comm...