Reminder: This chapter has been revised, Something has been added and something changed here.
___________________
Talia Haven Juárez
Kasalukuyan akong nagmamaneho at sinusundan ang sasakyan ni nath. Naisipan kasi namin ni nath na dalhin muna namin sila kiara sa mall after nung nangyare kanina.
Gusto kong itext si ma'am pero hindi ko alam ang number niya para sana ipaalam ko sa kanya na kasama ko si kiara.
Buti nalang naalala ko si dean siya nalang itetext ko para ipaalam kay ma'am na kasama ko yung anak niya tapos ihahatid ko nalang si kiara mamaya duon sa university o kaya sunduin ko na rin si ma'am then hatid ko na sa mismong bahay nila.
Ang problema nga lang e yung yayain mo palang si ma'am pero tumanggi na agad tas galit pa diba ang saklap non?
Masyado pa rin talaga akong nag ooverthink kung sino ba yung daddy nitong si kiara.
Ilang beses ko nang tinanong si ma'am noon kaso lagi niyang iniiba usapan kaya wala akong magawa hinaayaan ko nalang.
"Ate ven" tawag saakin ni ace.
"Hmm?"
"Can you please open the speaker ate van" halatang bored na ito dahil sa tono ng boses niya.
Nahihiya pa kasing kausapin si kiara.
Makapal pa naman mukha ni ace ewan ko kung anong nangyare ngayon.
"Oh okey, sure" sandali akong tumingin sa kanya saka ngumisi.
"Ay huwag na pala ate van! alam ko na yang ibig sabihin ng ngisi mo ate!" ngumuso ito na ikinatawa ko.
Ang cute niya talaga pag ngumunguso nag mumukha tuloy siyang duckling.
"Bakit? ang ganda kaya non pakinggan tas pwede mo pang sabayan ng sayaw." natatawang saad ko.
"Ayy ate van nakakasawa na kaya pakinggan yon. Pag kasi sinusundo mo ako yun lagi pinapatugtog mo" tinawanan ko lang ito at saka sinilip si kiara sa rear mirror.
Tahimik lang kasi siyang nakikinig saamin habang naka yuko.
"Hey baby okey ka lang?" tanong ko kay kiara.
"Tsk baby raw, bat anak mo?" nang aasar na tanong ni ace na ikina irap ko sa kanya.
"Hindi, pero bakit ba bawal ko ba siyang tawagin non?" rebat ko.
Ganyan kami mag bardugulan ng kapatid ko kala mo ka age ko lang siya eh pero malakas mang asar yan jusko.
"Bawal unless may crush ka sa mommy niya" nanlaki agad yung mga mata nung marinig yung sinabi niya.
Anong crush?
Bawal.
May asawa na kaya iyon.
"Aba wala ahh straight kaya ako as a ruler noh."
"Defensive yan. Ruler nga flexible naman" my jaw literally dropped. Ang dami niyang alam pambihira
"Shattap bro basta straight ako" tumawa lang ito sa sinabi ko.
"Baby ayos ka lang ba diyan?" ulit na tanong ko kay kaira at nakita ko naman ito sa rear mirror na tumango.
"Yes po ate hero. but are you sure po ba na straight kayo?" Mas lalong natawa si ace sa inosenteng tanong ni kaira.
Hala! bwisit ka ace!
Kung ano ano naririnig ng bata.
Ayan tuloy.

YOU ARE READING
ARRHYTHMIA
Romance(g×g) [professor×student] Talia Haven Kazer Juaréz is a 4th-year college student who possesses exceptional intelligence and is known for her impressive academic performance. She comes from a family that is well-known and well-respected in their comm...