Reminder: This chapter has been revised, Something has been added and something changed here
_____________________
Talia Haven Juárez
I woke up but still didn't open my eyes. What a strange morning, I don't know why but I feel safe, as long as it's fun this morning. I want it like this , like I don't want to get up already.
Damn man! Pambihirang amoy 'to!
Ang bango!
Pero wait tama ba 'to?
Shit! naaamoy ko na naman!
"Maybe you want to get up now or what? you're so heavy, you know?"
Tangina! Am I dreaming again?
Ano ba yan! Ilang araw ko lang siya hindi nakita tas ngayon naririnig ko boses niya.
Jusko baka panaginip na naman lang 'to.
Hindi ko nalang pinansin yung narinig ko siguro guni-guni ko lang iyon o talagang nanaginip pa ako.
Diniinan ko nalang ang pagkakayakap at ipinalibot ko na rin yung legs ko sa unan na kanina ko pa yakap-yakap.
Shet! ang lambot!
Gumapang naman yung kamay ko sa unan para damdamin yung lambot nito pero napakunot noo ako ng may makapa akong parang bukol pero ang lambot ah basta ewan ko kung 'yon.
"Pervert" rinig kong sabi ng unan
Wow tangina! may unan palang nag sasalita.
Ah? unan?
Pambihirang panaginip to pati unan nag sasalita.
Hindi ko nalang ulit pinansin dahil guni-guni ko lang siguro talaga iyon kaya ipinagpatuloy ko nalang ang himas sa malambot na pabundok na ewan hahaha.
Napadilat nalang ako bigla ng may malakas na sumampal sa pisnge ko.
"What the! you're so bastos talaga!" namumulang mukhang bungad na sabi nito.
Nanlaki bigla ang mga mata ko ng makita kung sino 'yon kaya sinubukan kong ipikit at idilat yung mata ko para siguraduhin na siya ang nakikita ko ngayon.
Tama ba to? hindi na ba ito panaginip ulit?!
Napahawak ako agad sa pisnge ko kung saan ako nasampal.
Nasampal na ako ahh at hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang sakit ng sampal niya, so totoo nga siya talaga ang nakikita ko!
Pero tangina ang sakit ng sampal niya ah for sure bumakat na yung sampal niya sa pinge ko.
Volleyball player nga naman tss.
"Misis ko?!" hindi makapaniwalang sigaw ko sa kanya.
"Well, you've woken up already and you're so heavy, so you might want to remove your legs around my body?" mataray na sabi nito pero inilingan ko ito.
"Totoo ka ba?" tanong ko habang tinutusok yung pisnge niya pero agad niyang hinampas yung kamay ko at sinamaan ng tingin.
So totoo nga!
"The heck?!" naiiritang sabi niya.
Maslalong nanlaki yung mata ko dahil sigurado na akong hindi talaga ako na nanaginip.
Nandito nga siya?!
Pero anong ginagawa niya dito at paano siya naka punta dito?
"Misis ko! anong ginagawa mo dito? Paano ka po nakapunta dito?" takang tanong ko kaya tinaasan niya ako ng isang kilay.
YOU ARE READING
ARRHYTHMIA
Romansa(g×g) [professor×student] Talia Haven Kazer Juaréz is a 4th-year college student who possesses exceptional intelligence and is known for her impressive academic performance. She comes from a family that is well-known and well-respected in their comm...