Reminder: This chapter has been revised, Something has been added and something changed here.
____________________
Talia Haven Juárez
"Ate ven!" rinig kong sigaw mula sa napaka gwapo kong kapatid pero hindi ko ito pinansin.
Masyado parin kasing na blangko yung utak ko dahil sa sinabi ni ma'am sinabyan pa ng mga binitawan na salita ni dad kanina.
Ewan ko ba, Ang talino ko naman pero jusko ang hirap talagang intindihin ni ma'am like mas magulo pa siya sa magulo.
Tapos mas lalo pang gumulo nung naalala ko yung sinabi ni dad.
Parang gusto ko na nga lang maging paro-paro para lipad lipad lang.
Bigla nalang nabuhay lahat ng elementong nasa katawan ko nang may bumatok sa ulo ko kaya agad kong hinarap ito kung sino.
Walangya kapatid pa ba turing neto sa akin?
Makabatok to akala mo nasa kalye eh.
"Pambihira ka naman oo." kunot noo kong sabi habang inihimas ko yung ulo ko banda sa kung saan nito ako binatukan.
"Yan kasi kasalanan mo iyan ate ven hindi mo kasi ako pinapansin." nakangising sabi ni ace.
"Aba! kasalanan ko pa talaga, hindi ba pwedeng may iniisip lang ganon?" taas isang kilay kong tanong na ikinatawa naman niya.
"Lutang ba kamo ate? at teka nga ate gusto mo bang hulaan ko kung ano yang iniisip mo?" nakangiting tanong nito na ikinatawa ko ng mahina
"Wow naman! kailangan ka pa naging mang huhula aber?"
"Ngayon lang naman ate" sagot nito sabay kindat pa.
Loko ito ha.
"Ewan ko sayo pero sige hulaan mo nga kung ano ang nasa isip ko." sabi ko na ikinatawa niya muna bago sumagot.
"Sus yung tungkol sa pinag usapan ninyo kanina ni Miss Ganda lang naman yung nasa isip mo eh." lakas loob nitong sabi na ikina kunot noo ko.
"Miss Ganda? Sino yon?" takang tanong ko.
"Yung crush ko este yung tinanong mo kanina if pwede ba siyang ligawan eh basta yung mommy ni kiara, ate." sagot nito na ikina seryoso kong tingin sa kanya.
"Aba may crush ka pal-" natigilan ako sandali ng napagtanto ko kung ano yung sinabi niya. "Hoy teka nga, paano mo nalaman na tinanong ko si Ma'am kanina about sa panliligaw ah?Ikaw talaga napaka chismoso mong bata." dagdag ko at hindi makapaniwalang nakatingin na ito ngayon sa akin pero agad din itong napalitan ng tawa.
"Loh? Diba sabi ko sayo ate huhulaan kita but anyways ang problemahin mo nalang muna sa ngayon ate ay kung paano mo liligawan si Miss Ganda." saad nito na ikinaisip ko agad.
"Ehem!anong liligawan ang naririnig namin huh?" agad kaming napaharap sa taong nag tanong nito at ayon si yesha pala kasama si nath.
"Nako ang bata mo palang ace may nililigawan ka na." seryosong sabi ni nath na ikinalaglag panga ni ace.
"Ah?" naguguluhang tanong ni ace na ikinatawa ko.
Back to you.
"Isusumbong nga kita kay tito sky sabihin ko may nililigawan ka na."saad ulit ni nath na mas ikinatawa ko lalo kaya napatingin silang tatlo sa akin.
"Anong nakakatawa babe?" takang tanong ni yesha na ikinatigil ko sa pag tawa saka umiling.
"Ano ka ba ate sera hindi naman ako yung may nililigawan ah." pag dedepensa ni ace sa sarili niya kaya ayon back to the topic na naman.
YOU ARE READING
ARRHYTHMIA
Romansa(g×g) [professor×student] Talia Haven Kazer Juaréz is a 4th-year college student who possesses exceptional intelligence and is known for her impressive academic performance. She comes from a family that is well-known and well-respected in their comm...