Reminder: This chapter has been revised, Something has been added and something changed here.
_________________
Talia Haven Juárez
"Now, let's put your newfound knowledge to the test. I will give additional ten points in our activity next meeting to the student who can answer my five questions" seryosong saad ni ma'am na ikinaingay ng klase namin.
May nag sisigawan at may nagbubulungan pa.
bulungan pero ang lalakas naman.
"Plus ten daw oh" bulong nung katabi ko sabay siko pa na ikinasama ng tingin ko sa kanya.
"Ano gagawin?" sarkastikong bulong ko pabalik.
"Shunga edi ikaw na sumagot" bulong pabalik ni nath.
"Quiet!" agad kaming napatahimik sa lalim ba naman ng boses ni ma'am.
Alam niyo ba iyon?
Yung ang lalim nung boses pero babaeng babae parin ang dating.
Basta scary.
"Volunteer?" tanong ni ma'am pero ni isa sa amin ay walang nag taas ng kamay at yung iba ay umiiwas pa sa tingin ni ma'am.
"If no one volunteers to answer my questions, it suggests that the lesson may not have been fully understood." seryosong dagdag ni ma'am na ikinatinging nung mga ka mates ko sa isa't isa.
"Pst ikaw na kanlungan" sabay kalabit pa ng katabi.
Ang kulit talaga nitong si nath.
Sarap tirisin.
"Ayoko" bulong na saad ko kay nath.
"Volunteer?" tanong ulit ni ma'am pero wala pa rin ni isa sa amin ang nag tataas ng kamay. "Last call for a volunteer! If no one raise a hand, I'll have to cancel our lab visit for tomorrow, and everyone's grade for that activity will be mark as zero." seryosong saad ni ma'am na ikinalungkot nung mga mukha nung ka mate ko.
"Huy iligtas mo kami" bulong na naman ni nath na ikina buntong hininga ko.
"Ikaw na, kaya mo na iyan. Matalino ka naman nath" bulong ko pabalik sabay harap sa kanya pero biglang kumunot ang noo ko nung makita kong naka ngisi siya.
Teka nararamdaman kong may masamang balak ito.
Huwag mong sabihin na....
Napatayo ako bigla sa gulat at sa sakit dahil may umapak sa paa ko.
Bwisit ang sakit!
"Nath" tawag ko sa kanya sabay sinamaan siya ng tingin pero mas ngumisi lang ito.
"Yes Miss Juárez, are you ready?" agad akong napatingin kay ma'am na napaka seryosong nakatingin sa akin.
Kinabahan ako bigla sa pagtawag niya sa akin.
Bwisit ka nath! Mamaya ka talaga sa akin.
Kung nag tataka kayo kung bakit kilala na ako ni ma'am kasi syempre kanina tinawag niya yung mga pangalan na nasa list niya then kami isa isang nag taas ng kamay.
"Ma'am wait po, question lang" saad ko na ikinataas ng isang kilay niya.
"What is it?"
"If nasagot ko po lahat ng tanong niyo itutuloy niyo parin po ba ang schedule namin sa laboratory bukas?" tanong ko sabay tayo.
"Yes" maikling sagot ni ma'am na ikina tingin ko sa mga ka mates ko at kay nath na mukhang naka hinga nang maluwag sa sagot ni ma'am.
Sinamaan ko ng tingin itong si nath pero siya ang laki ng ngiting ibinalik sa akin.

YOU ARE READING
ARRHYTHMIA
Roman d'amour(g×g) [professor×student] Talia Haven Kazer Juaréz is a 4th-year college student who possesses exceptional intelligence and is known for her impressive academic performance. She comes from a family that is well-known and well-respected in their comm...