CHAPTER V

10.7K 354 31
                                        

Reminder: This chapter has been revised, Something has been added and something changed here.


_________________

Talia Haven Juárez


Kakatapos ko lang mapatuyo ng buhok kaya lumabas na ako dito sa bathroom.

Pag kalabas ko ay chineck ko muna si kiara pag katapos ay naglakad ako papunta sa study table ko saka umupo sa upuan.

Yumuko ako saka inopen ang cabinet na nasa side nitong study table ko.

Inilabas ko yung laptop,powerbank and charger ko saka inilapag ito sa study table.

Ichinarge ko muna itong cellphone ko pagkatapos ay inopen ko na itong laptop.

Hindi lang ito basta laptop.

Kaya hindi ako sa bahay dumertso dahil nandito yung mga gamit ko.

Kapag may kailangan akong itrack dito ako dumeretso.

Si dad ang nag turo sa akin kung paano mang track.

Si dad rin ang nag turo sa akin ng martial arts pati ang pag hawak ng baril.

Naalala ko pa nung mga limang taon ako noon, kada alis ni mom ay duon lang ako tuturuan ni dad kasi parehas kaming mapapagalitan pag nakita niyang tinuturuan ako ng ganon ni dad.

Sumali ako sa organization kung saan kasali rin si dad.

Hindi alam ni dad na kasali ako sa organization nila dahil ayaw ko ipaalam sa kanya o kahit kanino.

Lowkey lang ba.

Kung tutuusin mas mataas ang rango ko kaysa kay dad.

Pang anim si dad at pang apat ako.

Gumamit ako ng pen name na 'Aven'.

Sa organization na sinalihan ko ay, iba-iba ang mga role namin.

Yung una sa rango ay ni isa sa amin ay walang nakakakilala sa kanya, kahit anong gawin namin upang malaman lang kung sino siya pero ni isa sa amin walang nag tagumpay. Yung pangalawa naman sa rango ay isang professor sa isa sa pinaka mayaman at kilalang university, role niya ay mag hunting ng mga may utang sa amin o sa kanya. Yung pangatlo sa rango ay kaibigan ko sa ibang university, ang role niya naman ay taga handle ng mga bar at casino ng aming organization. Ako ang pang apat, ang role ko naman ay ako ang taga track ng mga location nuong mga pinapahanap nila. Saka ko na sasabihin at ipapakilala yung iba.

Sinimulan kong kalikutin itong laptop ko.

"Gotcha" mahinang sabi ko.

Napatitig ako sa screen nitong laptop ko saka pinapanood ang pulang tuldok na patuloy na gumagalaw sa highway.

Good thing, gumana ang maliit na tracker na idinikit ko sa likod ng van at ngayon ay nagbibigay ito sa akin ng mga real-time na update sa kanilang lokasyon.

Ang pulang tuldok ay sa tingin ko ay malapit na sa destinasyon nito dahil bumabagal na ang takbo nito sa isang maliit na bayan na nasa malalim na kabundukan.

Agad akong yumuko saka kinuha ulit yung isang cellphone na nasa cabinet.
Binuksan ko ito saka pinunta sa contacts at tinawagan ko ang dapat kong tawagan.

"Hello, this is aven" saad ko nang masagot agad ang tawag ko.

"Yeah, I know. What do you need Miss aven?" tanong nito.

"I need your help" agad na sagot ko.

"Three million."

"Deal" sagot ko agad.

ARRHYTHMIAWhere stories live. Discover now