CHAPTER XXIX

4.6K 127 42
                                        

Warning (R 18+): Not suitable for young readers or sensitive minds. It may contain sexual scenes, adult language and situation intended for mature readers only.

Reminder: Read at your own risk.

__________________

Talia Haven Juárez

"Ate Ven wake up! Pasko na bukas oh!" sigaw na nagpagising sa akin.

"Ate Ven come on!"

Mabilis kong tinakpan ng unan ang aking mukha.

"Ate Ven! Dali na!"

"Oo na! Ito na! ito na!" sigaw ko nang pagkatanggal ko ng unan sa mukha ko saka tumayo sa aking kama.

"Alright!" sigaw niya pabalik.

Bumaba ako sa kama ko saka ito inayos pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa bathroom para maghilamos at mag toothbrush.

Nang matapos ako ay lumabas na ako sa kwarto ko saka dumertso sa kusina.

"Hello ate ven! good morning" masayang bati nitong si ace na ikinatango ko.

"Morning" sagot ko.

"Ginawan na kita ng hot chocolate ate, upo ka nalang here" saad niya sabay turo sa upuan na nasa harap niya na kaagad ko naman nilapitan saka umupo.

"Ate ang pangit mo na" dagdag niya pa na ikinatingin ko sa kanya.

Buti nalang hindi pa ako umiinom ng hot chocolate at baka maibuga ko sa kanya.

"Oh! sige ka ate pag hinampas mo ako isusumbong kita kay ate ganda mamaya" pagbabantay niya sabay ngisi pa na ikina irap ko.

"Sumbong kita kay ate ganda mamaya" pag-gagaya ko sa kanya.

"Ate!"

"Alam mo kumain ka nalang para makaligo na tayo at maka alis na rin" saad ko na ikinatango niya.

Nagpatuloy na siya sa pag-kain niya at ako naman ay sinimulan ng inumin itong hot chocolate na gawa niya.


"Ate tara na!" masayang sabi nitong si nath sabay hila pa sa braso ko.

"Masyado kang excited ace" sabi ko na ikinanguso niya.

"Ate malamang pasko na bukas"

"Oo nalang, sige na mauna ka ng sumakay sa sasakyan, susunod na lang ako dahil may nakalimutan akong kunin sa kwarto ko" saad ko na ikinatango niya sabay bitaw sa braso ko.

Naglakad ako pabalik sa kwarto ko at nang nandito na ako sa kwarto ko ay lumapit ako sa kama ko saka lumuhod at kinuha yung isang maliit na box.

Ipinasok ko itong maliit na box sa bag ko saka tumayo at naglakad na papunta sa garahe.

"Ate, si ate yesha hindi ba sasama?" salubong na tanong ni ace na ikinailing ko.

Tatlong linggo na ang nakakalipas at wala pa rin kaming balita ni nath tungkol kay yesha.

Sinubukan ko na rin na ilocate kung nasaan talaga si yesha pero kada locate ko sa kanya walang lumalabas.

Kinuha na rin namin ni nath yung address ni yesha pero pag karating namin sa bahay niya e wala na daw ang nakatira duon.

Sinubukan na nga rin siyang icontact pero out of coverage na.

Ang galing niya mag tago pero bakit ba siya nag tatago?

"Ate sakay na dali!" sigaw ni ace na nakasakay na sa passenger seat.

Napailing nalang ako saka ipinasok sa back seat yung bag ko saka sumakay na rin sa driver seat.

ARRHYTHMIAWhere stories live. Discover now