CHAPTER XXVI

3.9K 113 34
                                    

Reminder: Starting with this chapter, there is no revision 'cause I haven't uploaded this before.

The picture above is the portrayer of Shien Ayenah Mondarez.


___________________

Talia Haven Juárez

Nandito ako ngayon sa garahe, alam niyo ba kung bakit?

Syempre hindi ba?

Kaya talaga ako nandito ay para kuhanin yung electric bike na pwede naming gamitin nila ma'am sa pag lilibot para hindi na kami mahirapan pa, diba?

Mga ante ko, ayaw ko lang talaga mapagod sila misis ko, mahal na mahal ko 'yon of course si kiara rin anak namin iyon e.

Kinuha ko na yun susi sa cabinet at saka lumapit sa isang e-bike.

Buti na nga lang tama yung susi na kinuha ko e may tatlong klaseng e-bike kasi dito sa garahe.

Nang maka sakay na ako ay isinindi ko na ito saka minaneho pabalik sa garden kung saan ko iniwan sila ma'am.

"Ma'am!" pasigaw na tawag ko kay ma'am na ikinatingin niya sa akin at tumayo na sila sa bench saka naglakad palapit sa akin.

Nang makalapit na sila sa akin ay bumaba muna ako saka naglahad ng kamay kaya nagtatakang naka tingin na si ma'am sa akin.

"What?" tanong ni ma'am kaya nginitian ko muna siya bago sumagot.

"Aalayanan ko lang po kayo" sagot ko na ikina irap ni ma'am pero tinanggap rin naman niya.

Ewan ko ba kay ma'am ang hilig umirap kinikilig lang siya e.

Ehem! Gentlewoman lang naman ako lalo na sa kama...

Charot!

Walang gentle gentle dito pag sagad,sagad lang para masaya.

Charing lang ang programang ito ay rated spg ay eme.

"Ma'am bukas na po tayo uuwi ah may exam pa po kami sa monday diba?" tanong ko habang dinadrive itong e-bike.

"Yes." maikling sagot ni ma'am.

Hindi na ako umimik pagkatapos sumagot ni ma'am.Tahimik nalang ako nagmaneho habang dinadama ang hangin.

So refreshing....

Ilang imunuto na rin akong nagmamaneho at tahimik feeling ko tuloy mapapanis na laway ko pag hindi pa ako nagsalita eme pero buti nalang malapit na kami sa stable kung saan natanaw kong may mga taong nakatayo sa labas.

"Ma'am nandito na po tayo sa stable" sabi sabay iginilid yung e-bike namin sa tabi.

"I know, I see it" saad niya sabay baba ng e-bike saka umirap pa bago ibinababa si kiara.

Tss ang taray talaga.

Bumaba na rin ako saka binuhat si kiara at tumayo sa tabi ni ma'am.

"Tara na ma'am" pag aaya ko pero seryoso lang siyang nakatitig sa akin.

"Eh teka ma'am bat ganyan ka makatingin?" takang tanong ko.

"Pangit mo." mataray niyang saad saka mabilis na kinuha si kiara kaya laglag panga akong hindi makapaniwalang napatitig sa kanya.

Jusko anong personality ni ma'am iyon?

"Ma'am?! Wait lang!" sigaw ko ng medyo nakalayo na sila sa akin.

Agad kong sinundan sila ma'am habang iniisip ko parin kung bakit kaya nasabi ni ma'am iyon?

"Haven!" rinig kong tawag sa akin ng hindi ko alam kung sino.

ARRHYTHMIAWhere stories live. Discover now