The picture above is the portrayer of Yshamael.
___________________
Talia Haven Juárez
"Kanlungan!" napatingin ako agad sa likod ko nang marinig ang pagtawag sa akin.
Mabilis itong tumakbo palapit sa akin at nang makalapit ito ay napahawak siya sa tuhod niya habang hingal na hingal.
"Oh anong nangyare sayo?" takang tanong ko.
Itinaas niya ang isang kamay niya sabay sabing...
"Wait"
Tumayo siya ng maayos saka ngumiti kaya napataas ako ng isang kilay.
"Tara na" nakangiting sabi niya sabay kapit sa braso ko.
"Gago mo" sabi ko na ikinatawa niya
"Nga pala kanlungan hindi ako makakasama sa pasko"
"Bakit naman?"
"Secret" natatawa niyang sabi. "Tara na nga" dagdag niya pa sabay hila sa akin.
Hinayaan ko nalang siyang hilain ako hanggang sa makapasok na kami dito sa loob ng room.
Himala ang tatahimik nila tapos nasa kanya kanyang upuan pa sila habang yung iba ay nagbabasa.
"Ay ang tahimik" bulong ni nath na ikinangisi ko.
"Midterms e" bulong ko pabalik.
"Sabagay"
Hinila niya pa ako hanggang sa makaupo kami at nang makaupo kami ay saka lang niya ako binitawan.
"Wala pa si yesha?" bulong na tanong ni nath na ikinairap ko.
"Shunga kasabay mo lang akong pumasok dito" sagot ko na ikinatawa niya ng mahina.
"Ay oo nga, tanga" natatawang sabi niya.
Nakalipas ang ilang minuto ay dumating na si Miss Rivera, siya kasi ang mag babantay sa amin ngayon.
Napatingin ako sa pinto ngunit walang bakas na yesha ang dumating.
Aabsent ba iyon o malalate lang?
Chinat na namin kanina pero ni isa ay wala kaming na tanggap na reply.
Anyare don?
"Magsimula na kayo" seryosong sabi ni Miss Rivera.
Sinimulan kong iscan yung test paper mula harap hanggang likod pagka tapos ay isinulat ko na yung apilyedo ko saka nagsimula nang sumagot.
Forty five minutes lang ang ibinigay na oras sa amin para matapos itong sagutan pero thirty minutes palang ay tapos na ako dahil medyo madali lang naman yung mga tanong saka naalala ko yung ibang tinuro ni ma'am at yung sa past lesson.
Tapos na akong mag take ng first exam namin pero ni anino ni yesha wala man lang paramdam.
Ako ang kinakabahan para sa kanya.
Sayang score niya, dagdag grades pa naman iyon.
Tumayo na ako saka naglakad palapit kay Miss Rivera na nakatayo sa gilid ng lamesa niya niya.
"Tapos ka na?" tanong niya nang makalapit ako.
"Yes po ma'am" sagot ko sabay abot sa kanya nung test paper ko.
Kinuha naman niya yung test paper ko saka tinignan mula harap hanggang likod.
Naglakad na ako pabalik sa upuan ko at kinuha ko yung bag ko saka naglakad papunta sa labas.
YOU ARE READING
ARRHYTHMIA
Romantizm(g×g) [professor×student] Talia Haven Kazer Juaréz is a 4th-year college student who possesses exceptional intelligence and is known for her impressive academic performance. She comes from a family that is well-known and well-respected in their comm...