CHAPTER IV

11.9K 366 36
                                        

Reminder: This chapter has been revised, Something has been added and something changed here.


________________

Talia Haven Juárez

Kasalukuyan kong inaayos itong mga gamit ko at inilagay sa bag dahil kakatapos lang ng klase namin kay Sir Pao.

Napatingin ako sa oras na nasa phone ko mag sisix na pala. Agad kong sinuot itong bag ko at nagmadaling naglakad palabas.

Wala ng gaanong tao dito sa builing namin, bilang nalang kumbaga pero sa ibang building siguro meron pa dahil may night schedule pa ata sila.

Naging okay naman yung klase namin kaninang umaga kay ma'am rivera at kanina lang kay sir pao.

Ito ako ngayon nag mamadaling makapunta ng parking may usapan kasi kami ni nath na magkikita kami dahil nga sabay kaming uuwi.

Kanina pa kami hindi nagkikita matapos yung nangyare sa canteen at lalo na hindi kami same ng schedule ngayong monday.

Dapat nga kaninang lunch sabay kami kaso may kailangan daw siyang puntahan hindi naman sinabi kung saan pero ayos lang.

Ang hindi lang okay e kaninang lunch ba naman akala ko magiging tahimik ang buhay ko pero hindi!

Rinig na rinig ba naman sa buong building na ito yung pangalan ko pinapatawag ba naman ba at pumunta raw ulit ako sa office ni ma'am kaya pagkatapos nung klase ko kay miss rivera dumertso ako sa office ni ma'am.

Akala ko nga tititigan at ngingitian na naman niya ako ulit pero niyaya lang akong mag lunch sa office niya at nag order daw siya.

Palusot pa nga si ma'am e.

Ang dami niya daw na order, hindi niya daw kayang ubusin.

Asus galawan ni ma'am.

Crush siguro ako ni ma'am?

Nagagandahan ako sa kanya pero

Sorry siya, straight ako e.

Ay teka isa pa!

Alam niyo ba bago ako umalis kanina sa office niya kiniss ba naman ako sa pisnge!

Hindi pa nga ako nakaka move on doon sa nangyare kanina sa library dinagdagan niya pa.

Hindi ko na nga bibigyan ng meaning at baka sabihan pa akong feeling.

Andito ako ngayon sa parking area habang hinihintay ko si nath.

Akala ko nandito na siya, nauna pa pala ako.

Kinuha ko agad yung phone ko sa bag at agad itong tinipa saka hinanap yung contact ko kay nath.



To: Natsilog
Hoy natsilog nasaan
ka na!?

: Natsilog

Sorry! wait lang malapit
na ako.




Napa iling nalang at saka sumandal sa sasakyan ko. Nagulat ako nang may biglang humampas sa likod ng sasakyan ko.

"Sera!" Inis kong saad at lumapit ako sa sasakyan niyang katabi lang ng kotse ko at saka hinampas rin yung likod ng sasakyan niya.

"Hoy Haven!" sigaw niya saka tumakbo ito palapit saakin.

"Maka hamapas ka sa saksakyan ko ah" saad ko sabay sinamaan siya ng tingin pero itong si mokong tumawa lang.

ARRHYTHMIAWhere stories live. Discover now