Reminder: This chapter has been revised, Something has been added and something changed here.
____________________
Talia Haven Juárez
"Paano nga kayo nag kakilala?" seryosong tanong ni nath sa aming dalawa ni yesha.
"Hmm ewan." walang gana kong sagot.
"Aba! hoy anong ewan diba nilandi mo ako sa dior store kahapon." nanlaki naman agad ang mga mata kong napatingin kay yesha.
Ang kapal nito.
"Eh kung sampalin kaya kita noh." saad ko na ikinatawa naman nilang dalawa.
"Wait diba kasama mo sila miss santiago kahapon?" tumango naman ako saka sinamaan ko ng tingin si yesha baka kasi kung ano na naman sabihin nitong babaeng ito.
"Okey Okey so nagkakilala kayo nitong si yesha sa dior store dahil nilandi ka niya? Tama ba?" ulit na tanong ni nath ikinatawa ko bago tumango
"Yup." agad na sagot ko.
"Hoy anong nilandi?" reklamo naman ni yesha
"Bakit hindi ba?" taas kilay kong tanong.
"Slight lang." sagot niya na ikinatawa naming tatlo.
"Bahala na nga kayo diyan." saad ko saka tumayo.
"Hala hoy saan ka pupunta babe?" takang tanong ni yesha.
"Bibili ng makakain ko. jusko ano iyan kayo lang kumakain?" sabay irap ko sa kanila.
"Ay akala ko nakain mo na kanina sa room si pr---" agad kong pinasok ulit yung pie sa bibig niya.
"Ang sarap ng pie noh?" pilit ngiti kong saad kay yesha saka sinamaan siya ng tingin.
"Haha oo nga next time ikaw na rin mag subo saakin ah" natatawang sabi niya pa.
"Ewan ko sayo. Iyan munang si nath landiin mo." saad ko saka naglakad na papuntang counter.
Agad akong bumalik sa pwesto nila nath nang nakabili na ako.
"Aba kaya mong ubusin yan kanlungan? " takang tanong ni nath na ikinailing ko.
"Oh bakit ang dami mong binili? para saamin ba yan? ano ka ba nakakahiya nag abala ka pa meron pa naman kaming kinakain ni nath." saad naman ni yesha ewan ko talaga sa babaeng ito ang feeling.
"Syempre hindi bumalik lang ako dito para sabihin na sa room nalang tayo magkita mamaya" laglag panga naman yung dalawa na nakatingin saakin pero hindi ko na iyon pinansin at naglakad na ako palabas ng cafeteria saka dumeretso papuntang office ni ma'am.
Habang nag lalakad ako sa hallway may biglang tumawag sa pangalan ko kaya napatingin ako agad sa kanya.
"Haven" its miss rivera.
"Hello po miss rivera." naka ngiting bati ko.
"Kamusta? Kumain ka na ba?" naka ngiting tanong nito.
"Hindi pa po ma'am, ikaw po ba kumain na po kayo?" balik tanong ko na ikinapula naman ng pisnge niya pero hindi ko nalang iyon pinansin pa.
"Actually yes, tapos na." naka ngiting sagot niya na ikinatango ko naman. "Gusto mo bang samahan na kita cafeteria para maka kain ka na?"
"Nako huwag na po miss elyza kakagaling ko lang po duon. Eto nga po oh" sabay pakita ko sa kanya yung mga binili ko na ikinatawa naman niya.
"Ikaw talaga oh eh teka saan pala ang punta?"
"Kay Miss Santiago po. Nanduon po ba siya sa office niya? may itatanong lang po kasi ako sa kanya eh" palusot ko lang talaga iyan, may gusto lang talaga akong ibigay kay ma'am.

YOU ARE READING
ARRHYTHMIA
Roman d'amour(g×g) [professor×student] Talia Haven Kazer Juaréz is a 4th-year college student who possesses exceptional intelligence and is known for her impressive academic performance. She comes from a family that is well-known and well-respected in their comm...