Reminder: This chapter has been revised, Something has been added and something changed here.
_____________________
Talia Haven Juárez
"Tangina bakit ang tagal mo? mag sisimula na oh." seryosong saad ni nath pero nginitian ko lang ito.
"Umupo ka na dito babe dali." sabay hila saakin ni yesha paupo sa tabi niya.
"Good morning everybody! Nandito tayo ngayon upang mapanood ang laban mula sa pagitan ng mga professor ng engineering department at nursing department!"
Nang matapos niyang sabihin iyon ay lumakas lalo ang mga sigawan nila.
"Ahhh!!! Go red number 3! Go Miss Santiago!" malakas na sigaw ni yesha na ikinagulat namin ni nath at nung ibang nasa harap at likod namin.
"Hoy gago ang ingay mo hindi pa nag sisimula yung laban." inis na saad ko dahil sa tapat pa talaga ng tenga ko sinigaw.
"HAHAHA sorry na babe." natatawang saad ni yesha pero inirapan ko lang ito.
"Is now time to be starters!" sigaw nung announcer. "First for Professors in Engineering Department the outside hitter number 11 Miss Marielle Valero!" maslalong lumakas ang hiyawan nila dito sa loob ng gymnasium nung pinakilala si miss Marielle.
Si Miss Marielle kasi ang isa sa pinaka magaling na professor sa engineering department well nakilala ko lang siya last year nung dumalo siya sa event dito sa department namin.
Tumakbo ito papunta sa pwesto niya sa court at napatingin ito sa gawi namin saka ngumiti ito ng malawak at kumindat ito kay..
"Hoy kumindat sayo nath." natatawa kong saad na ikina kunot noo naman niya.
"Huh? Hindi saakin sayo yata." napatigil naman ako sa pagtawa sa sinabi ni nath.
"Gago hindi rin saakin baka kay yesha." saad ko at sabay naman kami ni nath na ibinalin ang tingin kay yesha na seryoso lang ang tingin sa court.
"Aha mukhang ikaw nga!" natatawang saad ni nath na ikina irap naman niya saamin.
"Tigilan niyo ako baka sipain ko kayo diyan. First of all never akong mag kakagusto sa isang professor and Second of all dito lang ako kay babe kakalampag." sabay ngiti niya at kumapit pa sa braso ko.
"Tss tantanan mo ako baka ikaw sipain ko." seryosong saad ko na ikinatawa naman nilang dalawa.
"Lets now makes some noise for staters for The Department of Nursing!" mas lalo pang umigay dito sa gymnasium na halos mabingi ka na sa sigawan.
"The Outside Hitter Number 8 Miss Elyza Rivera!" tangina ang iingay ng nasa likod namin lalo na si nath sobrang lakas ng sigaw nila.
"Go Miss Rivera! 143!" malakas na sigaw ni nath na ikinatingin naman ni miss rivera sa gawi namin saka ngumit sa akin? teka di naman sa assuming ako pero saakin naka tutok yung mata niya nung ngumiti ito. Pero sa tingin ko mali ako kay nath talaga siguro nakatingin si ma'am na mamalik mata lang yata ako.
Assuming lang talaga ako!
Bakit naman sa akin ngingiti si Miss Rivera?
E hindi naman ako yung sumigaw. Diba?
"The Opposite Hitter Number 3 Miss Kheeana Allister Santiago!" tangina opposite hitter pala yung misis ko kaya pala ang lakas mang hampas batak na.
"Huy icheer mo naman si ma'am na bebe mo." mahinang saad ni yesha saakin sabay siko sa braso ko. "Ano na huy dali na." dagdag niya pa na ikina irap ko naman.

YOU ARE READING
ARRHYTHMIA
Romance(g×g) [professor×student] Talia Haven Kazer Juaréz is a 4th-year college student who possesses exceptional intelligence and is known for her impressive academic performance. She comes from a family that is well-known and well-respected in their comm...