Reminder: This chapter has been revised, Something has been added and something changed here.
____________________
Talia Haven Juárez
Its already tuesday at wala kaming class dahil may mga training pa kaming mga varsity player and nag preprepare na rin yung mga SSG officers para sa gaganaping event simula bukas hanggang friday.
Kasalukuyan akong naglalakad dito sa hallway papunta na kasi ako sa gymnasium dahil maaga ang practice namin.
Nag text na rin sa akin si nath na nanduon na sila sa gymnasium ako nalang hinihintay.
"Haven!" isang malakas na sigaw mula sa isang pamilyar na boses.
Agad ko naman itong nilingunan at si Miss Rivera lang ito kasama ang babae na apat na araw ko ng iniiwasan.
After kasi nang nagyare saamin ni ma'am nung last friday night halos hindi na ako makatulog ng maayos.
Gabi-gabi akong binabagabag ni ma'am sa isip ko gulong-gulo na ako hindi ko na maintindihan yung nararamdaman ko.
I know that it was a mistake na dapat pang maulit.
Biro lang huy!
Nagtext sakin si ma'am last saturday morning sabi nya 'gusto niya akong makausap about sa nangyare' pero hindi ko siya nireplyan.
Akala ko makalimutan ni ma'am yung nangyare pero hindi pala.
Nag kita rin kami nung saturday afternoon dito school dahil may practice ako non pero iniwasan ko pa rin ito.
"Good morning haven." masayang bati ni Miss Rivera sa akin.
"G-good morning too Miss Rivera and M-miss Santiago" bati ko pabalik saka tumingin kay ma'am na walang emosyon itong naka tingin sa akin.
"Sa gymnasium ba ang punta mo?" tanong ni Miss Rivera na agad ko naman tinanguan.
"Yes po Miss Elyza."
"Good, sabay na kami ni Kheeana duon rin kasi ang punta namin." nakangiting saad nito.
"Ah ganon po ba sige po walang problema." pilit ngiti kong sagot.
Sa totoo lang may problema talaga paano ko maiiwasan si ma'am niya kung sasabay sila sa akin?
"Tara na?" tanong ni Miss Rivera na alinlangan ko naman tinanguan.
Nauna na akong naglakad kila ma'am at nasa likod ko sila naka sunod.
Grabe yung kaba ko ayaw ko naman tumingin sa gawi nila ma'am baka hindi ko na kayanin mahimatay pa ako.
Nang makarating kami sa gymnasium ay agad na sumalubong sa amin si nath.
"Oh kanlu- Hi ma'am!" Masayang bati ni nath kay Miss Rivera na ikinatango lang nito.
Ewan ko ba feeling ko may something sa kanila hayss wala naman siguro.
"Huy kanlungan tara mag palit na tayo." balin na ni nath sa akin.
"Thanks god" mahinang saad ko.
"Excuse us po Miss Rivera and Miss Santiago mauna na po kami." naka ngiting saad ni nath.
Bago namin sila iwan ay tumingin muna ako kay ma'am pero ganon pa rin walang pinabago, wala paring itong emosyon nakatingin sa akin.
"Oh buti nandito na kayo ang tatagal niyo." yan agad ang bungad sa amin ni yesha pag kapasok palang namin dito sa locker room.
"HAHAHA sorry naman." natatawang saad ni nath na ikinailing ni naman ni yesha.
After namin magpalit ay bumalik na kami sa court at nanduon na yung team namin nagsimula ng mag training ng mga drills.

YOU ARE READING
ARRHYTHMIA
Romance(g×g) [professor×student] Talia Haven Kazer Juaréz is a 4th-year college student who possesses exceptional intelligence and is known for her impressive academic performance. She comes from a family that is well-known and well-respected in their comm...