15

14.5K 272 5
                                    

A U T H O R ' S P O V

Kasalukuyang tinatahak nina Alexander at Camille ang daan patungong kompanya ng kuya ni Alexander na si Saki Rei Takashima.Habang kumakain ng strawberry si Camille ay kinukulit niya ng mga tanong si Alexander na hindi siya pinapansin o kaya naman ay one word response lang ang gagawin, dahil nagtatampo parin si Alexander sa pang-la-'lang' ni Camille sa idol niyang Big Bang lalo na si TOP.

"You know what? I realized something." biglang sabi ni Camille

"What?" tanong ni Alexander kay Camille habang nagda-drive

"It's pretty stupid that I didn't notice it.Ang haba haba pala ng tawag ko sayo." sabi ni Camille

"So?" kahit hindi masyadong nakikita ni Camille ay nakataas kilay si Alexander habang tinatanong ito

"I'll call you Alex." may tono ng pag-finale na sabi ni Camille

"Yeah.What ever." sagot na lamang ni Alex pero sa loob loob niya ay halos maputol na ang lahat ng arteries at veins niya isama mo na rin ang mga capillaries niya dahil sa sobrang pagpipigil ng ngiti.

Tahimik na nilang pinagpatuloy ang biyahe dahil malayo layo rin eto at katulad ng sa kompanya ni Alexander ay nasa matago at liblib ito na lugar pero hindi mo pa rin talaga mapipigilan ang mapahanga sa taas at modernisasyong ito sa gitna ng isang kaputol litid na gubat.

Ang kompanya ni Saki ay isa ring wine production company katulad sa dalawa nitong kapatid.Sa kompanya niya gaganapin ang business meeting na kipanalolooban ng mga naka-merge nitong kompaniya.Ang mga nakakamerge lang naman nilang kompanya ay ang mga kapamilya nito,kaibigan nito.Katulad ng sa merging system,ang family members,friends and relations at ang idinagdag na persuasion na kipinalolooban ng mga Delos Reyes.

Ang mga pamilyang nakapaloob dito ay ang dalawang Takashima, Saito, Mori, Landers,Demetriou.Ang pamilya ng mga kaibigang sila Delgado,Smith at Santos.

Wala naman talagang dahilan para dalhin si Camille sa meeting pero sa kagustuhan niyang ipakilala si Camille sa pamilya nito ay sinama niya ito.

Pagkarating nila doon ay pinagtitinginan agad sila ng mga tao,mostly ay si Camille lang talaga.Pagkasakay nila sa elevator ay unconsciously siyang napatingin sa kisame at tama nga ang hinala niya,kapareho ng kisame sa painting sa kwarto ni Bree at kisame ng kwarto niya ang nakadesign sa kisame nito ngunit hindi niya na ito binigyang pansin pa.

Pag-akyat nila sa ika-anim na put siyam na palapag ay sinalubong sila ng isang napakatahimik na pasilyo na may malalaking paintings na para bang may pinagsusunod sunod na pangyayari,ang mas nakakainteres pa ay isa sa mga painting doon ay katulad ng nasa kwarto niya.Ngunit sa huli ay hindi pa rin niya ito binigyan ng pansin dahil mayroong ibang nakakuha ng pansin niya.Ang napakalaking mala-palasyong pinto sa dulo ng pasilyo na kulay lupa na may silver at golden linings at sa magkabilang gilid nito ay may mga torch.

Pagkapasok nila doon ay mga mapanuring mata ang sumalubong kay Camille na para bang tinitignan ng mga toh ang kailalim-laliman ng laman loob nito.Nagulat siya ng makita ang mga magulang nito doon,kahit gustohin niyang yapusin ng mahihigpit na yakap ang mga ito sa kabila ng mga nagawa nila sa kanya ay mas pinili niyang manahimik dahil mapapahiya lamang siya sa gagawin niya sapagkat hindi siya binibigyang pansin ng mga ito bagkus ay seryosong binabasa lamang ang mga papeles."Masyado silang business minded,hindi man lang nila napansin ang presensya ng binenta nilang anak?Hayss. Grabe naman makatingin mga tao dito ang sarap ibarbeque ng mga eyeballs kung makatingin eh!" nasabi niya na lamang sa kanyang isipan.Tahimik na napatawa si Hana Saito dahil sa sinabi or more like inisip nito.

My Demon Groom /Completed/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon