안녕하세요! Thank you kay @mint_candy sa pag-Flood Vote!
A U T H O R
Mabilis lumipas ang mga araw at labing-tatlong araw na lang ang nalalabi bago ang nalalabing kaarawan ng kambal at pagiisang dibdib ni Alexander at Camille.
Marami paring iniisip at iniintindi ngayon si Camille,kung bampira sila bakit hindi sila nasusunog sa araw?,kung bampira sila bakit nakakakain sila ng garlic?kung bampira sila bakit mas maganda ang social life nila?,ibig sabihin ba bampira rin ang mga tao sa school?kung bampira sila bakit mas mapuputla ang mga put-students?,Bampira rin ba sila pare? at marami pang ibang tanong ang gumugulo sa isip niya.Marami rin siyang iniinda at dinaramdam ng mga pasa at sugat sa katawan.
Dalawang araw na ang nakararaan simula ng umalis ang angkan at mga kaibigan sa mansyon nila,si Alex at Camille lang ang natira sa bahay.Pinag-force leave ni Alex ang kanyang mga katiwala sa bahay at sumama naman na sa mga magulang ang magkapatid na Saito,napagpasyahan ng mga ito na bumalik na lang tatlong araw bago ang kasal.
Sa loob ng dalawang araw na iyon ay puro paghihirap ang dinadanas ni Camille sa kamay ni Alexander.Para bang hindi siya si Alexander.Ebidensiya ng mga kalupitan ni Alexander ay ang mga sariwang sugat at pasa sa katawan ni Camille,gustuhin mang tumakas ni Camille ay hindi niya magawa dahil parang nagpapakamatay na rin siya sa mabagal na paraan lamang kumbaga parang 'killing you softly' lang.Iniisip niya rin ang utang na loob ng pamilya niya kay Alexander.Patuloy lang siya sa pagtitiis sa pagmamalupit ni Alexander (nga ba?) sa kanya dahil sa isip isip niya ay matatauhan rin ito o di kaya ay magsasawa pero ang hindi niya alam ay may mas mabigat papala siyang dadanasin sa kamay ni Alexander o ng monstruo niya.
.
.
.
.
Sa loob ng isang liblib na gubat at doon ay nagtitipon ang isang grupo,grupo ng mga lobo.
"Labing-dalawang araw.Labing dalawang araw na lamang ang nalalabi bago sumapit ang pagdugo ng tubig sa mahiwagang paraiso." sabi ni Maver,ang namumuno sa mga lobo
"Sayang nga lang at patay na ang itinakda." sabi naman ng kanyang kanang kamay na si Paleria
"Sa takot ng mga bampira na maubos ang lahi,hindi man lang nila naisip na ang anak ni Carive at Aria ay may posibilidad na lumutas ng mga giyera sa pagitan nating tatlo." sabi ni si Jovale
"Sigurado na ba na patay na ang itinakda?" napukaw ang atensyon nila sa binitawang pahayag ni Matthias,pinakamisteryoso sa buong grupo.
"Wala naman tayong natagpuan na bangkay." pahabol nito
"Ngunit ayon sa mga nilikha ng saksi na bampira para sa mga namumuno ay napatay nila ang prinsesa at bampi-bo (bampira-lobo)." pahayag ni Maver,hindi nito mapigilan ang malungkot sa sinapit ng nakatatandang kapatid sa ama.
"Sige." simpleng saad ni Matthias at binalik ang tingin sa kawalan na para bang may malalim na iniisip
Sa bawat araw na nagdaan mula noong kamatayan ng dalawang isinasaad sa propesiya na magbubunga ng supling na pinaniniwalaang magdadala ng kapayapaan sa pagitan ng tatlong uri ang mga bampira at lobo o kaya papatay sa lahat,mas lalong naging agresibo ang mga bampira sa pagiisip na sila na ang pinakamalakas dahil napatay nila ang itinakwil na magkasintahan at ang demonyo ng propesiya,sa sobrang agresibo ay nagambala na nila ang mga nananahimik na mangkukulam na noon ay kasalukuyang nagluluksa sa pagkamatay ng pangkalahatang prinsesa nilang si Aria.Labis labis ang natamong pinsala ng mga ito,ng buong kaharian at marami ang pumanaw dahil sa madalas na sorpresang atake ng mga bampira o di kaya sa mga giyera sa pagitan ng dalawang uri.Walang inalyansahan ang mga lobo at noo'y nagdadalamhati dahil na nga sa pagkamatay ni Carive kasabay pa ng pagkamatay ng kanilang pinuno o hari na si Clavel at reyna na si Versua dahil sa sama ng loob at hindi maatim na kinayang pumatay ng mga bampira ng kauri kahit may dugong lobo ito.Ngunit isang araw ay dumating ang kanang kamay ng hari ng Monstruo Vampir sa palasyo ng mga mangkukulam at sinabi na isa daw ang mga lobo sa nagbalak paslangin ang prinsesa nila,nagalit si Arida na reyna ng mga mangkukulam at doon nagumpisa ang sinasabi sa propesiya na pagaaway ng tatlong lahi ngunit nagyon ay wala ng mag-dadala ng payapa sa kanila.
"Kailan ba tayo babalik sa kaharian?" tanong ni Alias,napangiti ng marimrim ngunit halatang malungkot si Maver
"Kapag dumating na ulit sila." napangiti naman ng malungkot ang mga tao na kasama sa pagpupulong
"May alam na ba kayo kung asaan sila?" tanong ni Maver kay Gael,ang naatasang hanapin ang dalawang pinagkakatiwalaan nilalang ng buong grupo o kaharian ng mga lobo
"Ikinalulungkot ko po ngunit hanggang ngayon ay wala paring bakas nila ang natatagpuan." malungkot na napatungo si Maver
"Nasaan na kaya sila?"
.
.
.
.
"Ano ba talaga ang nakita mo,Hinata? Alam kong may nakita ka.Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ayaw mong sabihin." pamgungulit ni Haruko sa kakambal na si Hinata ukol sa nakita nito noong huling pagpupulong.
"H-haruko.Privacy." ang sinabi lang ni Hinata,kanina pa siya naiinis sa pangungulit sa kanya ng kakambal at the same time ay kinakabahan rin siya sa isang lihim na dahilan
"Hinata,walang nag-e-exist na privacy sa buhay nating dalawa.You said that!" paggiit ni Haruko
"Haruko,there are things that is better if their untold,for everyone's safety.At ang vision na iyon ay isa." sabi niya
"Hey Haruko,what's going on?" tanong ni Hinata ng mapansin napatulala si Haruko
"Hey Haruko!"
"Masyado ka bang na-hurt?"
"Oyyy! Say something!"
"Haruko!" naisigaw niya ng biglang himatayin ang kapatid ng may lilang usok na pumapalibot dito.Napaluhod siya habang salo ang ulo at likod ng kakambal.
"H-haruko! An-ong nangyayari sa i-iyo?!" histerikal niya ng mapagtantong hindi na pangkaraniwan sa kanilang mga bampira ang lamig nito.Nagulat ito ng biglang dumilat ang kakambal,at hindi na si Haruko ang nakita niya.
"B-bakit siya andito?"
-----------------------------
Helloooo sa inyo! Naka-chapter 18 na tayo! Naka-7k+ na rin tayong readers at almost 140 votes! Thank you sa lahat ng ka-DGrooms! Akala ko talaga nung una hanggang chapter ten lang toh,akala ko nga magiging katulad rn siya ng bang stories ko na buburahin ko rin.Thank you sa lahat ng nagbabasa nito kahit mabagal ang update!
Gosh,ang haba ng author's note.Sorry kung madrama iyan,masyado lang talaga akong madrama dahil sa mga nega na news about sa EXO.Wala pang WiFi-_- data connection lang gamit ko.
Basa lang kayo,bye!
BINABASA MO ANG
My Demon Groom /Completed/
Vampire"You can run but always remember you can't ever hide" Highest rank: #2 in Vampire Category