37

9.8K 187 6
                                    

A U T H O R

"Nasaan ang itinakda?" kanina pa tanong ng pinunong si Maver kay Braziella na hanggang ngayon ay nakatulala pa rin.

"Braziella, tinatanong kita kaya sumagot ka. Nasaan ang itinakda?" nawawalan na ng pasensya na sabi ni Maver

"Hindi isa. Dalawa. Dalawa ang itinakda." halos walang hininga na saad ng dalaga

"A-ano? Paano nangyari iyon?" nagugulahang banggit ni Maver

"Kambal ang anak ng prinsesa at ng bampi-bo." saad ng tulalang si Braziella

"Sino sila?" nawalan ng kulay ang mukha ni Braziella kasabay ng pagtulo ng luha nito.

"Hindi po maaari, g-ginoo." nauutal na sabi ni Braziella

"At bakit naman? Pamangkin ko ang pinaguusapan, Braziella. Napakatagal kong nagluksa dahil sa pagkamatay ng aking kapatid maging ng kanyang asawa at anak. H'wag mo naman ipagkait sa akin ang katotohanan." lumuluhang pahayag ng ginoo

"Ginoo. Lubos ang aking paggalang sa inyo pero kapag sinabi ko ito ay mababago ang lahat at mas magiging kalunos lunos. H'wag niyo sang masamain ngunit may mga bagay na kusang lalabas. Isang trahedya na magpapakilala sa isang lahi sa mga tao ang magpapakilala sa mga itinakda." saad ni Braziella at malungkot na ngumiti.

"Bakit siya pa?" malungkot na tanong niya sa hangin.

Matapos ng madamdaming paguusap ni Braziella at Maver ay tumungo ang ginoo kasama ang dalaga sa silid ng pagtitipon upang ipaalam sa lahat ang bagong propesiya.

Ilang oras rin ang kinain ng pag-uusap na ito dahil sa pagkabigla at kagalakan ng mga myembro nito.

"Siguradong matutuwa ang reyna at hari." masayang sabi ni Jovale, nabalot ng katahimikan ang loob ng silid

"Ngunit wala na sila." malungkot na pahayag ni Paleria

"Ano ba kayo? Magsaya tayo at buhay pa ang mga itinakda!" masayang pahayag ni Gael

"Nararapat lang na iparating ito sa Reyna Arida." pampinaleng pasya ni Maver

"Papapasukin pa ba nila tayo ng buhay sa kanilang teritoryo?" tanong ni Matthias

"Nasasaatin ang may hawak ng propesiya. Nararapat lang na tayo'y kanilang papasukin." saad ni Maver

"Kung gayon, tayo na't simulan ang ating paglalakbay." saad ni Paleria

Tatlong bundok ang kailangan nilang tawirin para mapuntahan ang teritoryo ng mga mangkukulam. Sa anyong lobo ay natawid nila ito sa maikling oras.

"Reyna Arida. Wala kaming dalang gulo, nais ko lang iparating na ang inyong mga apo o ang mga itinakda ay buhay." pambungad na sabi ni Maver

"Ano ang iyong pinagsasabi, lobo? Pinatay niyo ang buong pamilya ng anak ko tapos ngayon ay sinasabi niyong buhay ang anak ni Aria?" galit na saad ng Reyna

"Reyna, hindi kami ang pumatay sa iyong anak, kapatid ko si Carive kaya hindi ko maatim na paslangin siya at ang kanyang ikaliligaya." puno ng katotohanan na sabi ni Maver

"Pumasok kayo."

Pinagusapan ng dalawang lahi ang propesiya, halos hindi makapaniwala ang reyna sa nalaman.

"Sa lahat ng sulok ng daigdig, gusto kong mahanap niyo ang mga itinakda!" utos niya sa lahat habang pinipigilan ang sarili na umiyak dahil sa sobrang kaligayahan.

C A M I L L E

"Natty, gising na. May naghahanap sa iyo sa baba at tiyak kong matutuwa ka." gising sa akin ni Nanang Rosie, dahan dahan akong bumangon upang hindi maistorbo ang mga anak ko.

Bumaba ako ng hagdan at halos mapaatras ako nang makita ang mga bisita, sila Yuan kasama ang isang batang lalaki, Avila at Patrick.

"Anong ginagawa nila dito?" naitanong ko sa sarili

Hindi sa ayaw ko silang makita ngunit masyado pang maaga a kailangan ko pa ng tulog dahil madaling araw na natapos ang pagtitipon dito sa bahay.

"Uyy." pagtawag pansin ko sa kanila, tinaasan nila ako ng kilay. Pati ba si Yuan ay naging bakla na?

"After eight years mong pagtatago sa lungga mo, uyy lang itatawag mo sa amin?" mataray na sabi ni Avy

"H'wag mo naman masyadong ipahalata na ayaw mo kaming makita. Sino ba naman kasi kami di ba? Kami lang naman ang kaibigan mong hindi mo pinaramdaman. Umalis na nga tayo." sabi ni Patrick

"Quit the drama. I'm too tired. But well, hello guys. Nice to see you again, it is really nice to interrupt someone's sleep." ngiting ngiti na bati ko sa kanila

"Natty, it's already 2 in the afternoon. " baliwalang sabi ni Patrick at bumeso sa akin.

"What?! Shit, I should check on my kids, baka patay na ang mga iyon." dali daling sabi ko at tumakbo paakyat.

I wake my kids up with unlimited kisses.

"Kids, gumising na kayo." gumising naman na sila

Nag-ayos na kami bago bumaba ulit. We need to be presentable, I need to beat Patty.

"Well guys. This is my children, Alexis, Alexeir and Alexa." nagulat naman sila

"May anak ka na Natty?" gulat na tanong ni Avy

"Duh, ano tingin mo sa akin baog? Duh, igaya mo pa ako kay Patty." umismir naman sa akin si Patty

"Hoy gaga, ang shupal ng fes mo. Buntis kaya si Avy and ako ang pudra." sabi ni Patty, namula naman si Avy at hinampas siya.

"Yow pare! Long time no see, anak mo?" tanong ko, hinalikan ko sa pisngi yung batang lalaki na nakatingin lang sa akin. Siguro ay kasing edad siya ng mga anak ko.

"Ahh yeah. He's Nathan Ash." pakilala niya sa bata

"Yung totoo, pare? Sa akin ba naglihi yung pinagbuntis mo? Mukhang mini me ko eh." tumawa naman siya ng malakas

"Gago pare, nakita niya picture mo sa wallet ko tas akal ko magagalit siya pero sa iyo naglihi. Laugh trip talaga iyon eh." nakangiting sabi niya

"Nasaan na siya?" naptigil siya sa pagtawa

"Namatay siya dahil maraming dugo ang nawaka sa kanya. Tao lang siya, pero hindi ko sinisi kay Nathan yun. I love Nathan than my life." naluluhang sabi niya. He must really love the girl.

Buong hapon namin ay napuno ng tawanan at saya habang nagkekwentuhan. At pakiramdam ko rin ay may nagmamasid sa amin buong araw, shocks, nakakaparanoid.

But I will do anything to protect my children. I can kill for them.

------

OKAY THREE UPDATES AND FIRST TIME IN MDG HISTORY TO, AGAIN HAPPY ANNIVERSARY!

20151122;10:22

My Demon Groom /Completed/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon