안녕하쎄요 칭굿! Thank you sa mga nag fa-flood votes yangex at chuguri! Please keep supporting MDG! Godbless.
A U T H O R
"May progress na ba?" tanong ng dalaga sa lalaking kapatid na hindi nalalayo ang edad sa kanya
"A,huwag mong i-pressure si Yu." sabi ng nobyo sa dalaga
Hindi umiimik ang nakatatanda,nakatingin lang ito sa bintana habang sumisipsip ng dugo mula sa kanyang wine glass.Mababakas sa mukha nito ang kagalakan.
"Kuya,labing pitong araw.Labing pitong araw bago ang birthday niya but still nasa poder parin siya ni Takashima." asik ng dalaga
"There's a progress." nakangiting sabi nito at nilagay ang wine glass sa lamesa
"What?" the girl excitedly exclaimed
"Takashima's monstruo is taking over his system."
"What?! Kuya,baka mapahamak si Camille sa kaniya!"
"Exactly."
"Are you crazy? Hahayaan mong masaktan niya si Camille? Gago ka na ba talaga?!"
"A,chillax lang."pagpapaamo ng nobyo sa dalaga
"I'm not crazy.Kapag nasaktan siya,she'll run away and that's the time I'll enter the scene.Bravo,isn't it?" natuwa naman ang dalaga sa naging plano ng kuya niya pero nangangamba rin siya baka ibang pananakit ang gagawin ni Takashima sa dalaga.
Sa kabilang banda naman ay nakatulala lamang si Camille sa labas ng bintana,iniisip kung paano nangyari ang lahat ng bagay na ito sa kanya,kung anong mali ang ginawa niya.
"Am I too bad to deserve this?" ayan ang mga katagang patuloy na umiikot sa kanyang isipan
*tok tok tok tok*
"Camille,kumain ka na." sabi ni Valeria mula sa labas
"Hindi ako gutom Mom." sagot niya at binalik muli ang tingin sa bintana.
Ilang sandali lang ay naramdaman niyang may nagbukas ng pinto niya kaya marahas niya itong nilingon at sinigawan.
"I said I'm not hungry so leave me alone,will you?!" laking gulat niya ng makita si Calvin dahil sa pagkakaaalam niya nasa Jeju ito.
"Are you feeling well now?" concern na tanong ni Calvin sa kanya
"Never been better....vampire." sarcastic na sagot nito.Napabuntong hininga si Calvin bago lumapit dito.
"So alam mo na pala?"
"Obvious ba?"
"Sorry Camille,hindi ko naman ginusto ang maging bampira and I know even Mom and Dad but it's a life or death situation and for them as a parent,gagawin nila ang lahat para sa anak nila.Sino ba namang magulang ang gustong ilibing ang sariling anak diba?Bilang magulang,kaya nilang i-take lahat ng risk just for their children.Sana maintindihan mo Camille,for parents,sila dapat ang ihahatid ng anak sa huling hantungan at hindi sila ang magdadala." paliwanag ni Calvin sa nakababatang kapatid.
After hearing her brother's words,tuluyan na siyang umiyak,para bang lahat ng luhang itinago niya sa buong buhay niya ay ngayon niya lang inilabas.Hindi rin naman mapigilan ni Calvin ang hindi maluha sa kalagayan ng kapatid,alam niya ang nadarama nito,na para bang pinaglaruan ka ng nasa paligid mo o di kaya ay parang pinagmumukha kang tanga at walang alam.
"Ku-uya! I'm sorry,sorry sa lahat.Kung hin-di dapat ako lumabas ng sasakyan ay hindi ka dapat mafi-fifty fifty! So-sorry sa pagiging narrow minded ako at hindi ko inisip ang madarama niyo nila mommy at daddy! Sorry kuya sa sobrang pagiging immature ko kaya ka napahamak.I-I'm s-orry!Sorry dahil sa akin napahamak ka at naging bampira! Sorry k-kuya,sorry for being insensitive." iyak ni Camille
Pumasok si Valeria at Rico na kanina pa nanonood sa dalawa.Niyakap nilang mag-asawa ang dalawa na umiiyak.
"Stop crying Camille and Calvin.Don't blame yourself." nagpipigil ng damdamin at emosyon na sabi ni Rico sa kambal
"Kami ang may kasalanan ng lahat mga anak so stop blaming yourselves." umiiyak na pahayag ni Valeria sa dalawa.
Nang makarecover sila ay tumayo si Valeria at Rico at nagayos ng sarili.
"Ang drama na natin. Now, we just have to make sure that we are doing the right thing for pur children and do our best to be good parents." sabi ni Rico
"I agree." pag-sang ayon ni Valeria
Sa kabilang dako naman ay nagmamasid ang isang hindi kilalang babae. Pinagmamasdan niya ang kilos ng kambal.
Napahawak ito bigla sa dibdib. Bumibilis ang tibok ng dibdib nito habang nakatingin sa magkapatid.
"Bullsh*t. This is harder than I expected." nasabi niya sa kanyang sarili
Pinagpatuloy niya ang pagmamasid sa dalawa. Hindi niya pinapansin ang kakaibang tibok ng puso niya. Sa kanya lang, kailangan niyang gawin ang kanyang tungkulin.
Matagal niya nang ginagawa ito, bata pa lamang siya ay naiatas na sa kanya ang pag-babantay sa dalawa. Kahit hindi niya alam ang dahilan ay ginagawa niya na lang. Halos alam niya ang buong pagkatao ng dalawa kaya hindi niya maiwasang mahukog ang loob sa lalaking binabantayan.
"Bakit pa ba sila pinababantayan sa akin? Eh pagtingin sa propesiya ang dapat na ginagawa ko not spying, stalking the twins and of course not fall in love with Calvin Nigelle." para siyang baliw sa pagkausap sa sarili, pero anong magagawa niya? Mamamatay siya sa boredom kung mananahimik lang siya sa tuktok ng puno habang tahimik na pinagnanasaan este pinagmamasdan ang kambal.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang lumingon si Calvin sa gawi niya. Lalong bumilis ang tibok ng puso nito, imposibleng makita siya nito dahil milya ang layo niya at kung hindi dahil sa hawk eyes niya ito makikita. Nagitla siya nang bigla itong ngumiti sa kanya.
"Nakikita niya ako?" naitanong niya sa sarili.
Kamuntikan na siyang mahulog nang biglang may kung anong sakit ang tumarak sa dibdib niya.
"Quit spying on us, Braziella."
K-kilala niya ako?!
-----
E D I T E D
Naputol pala itong chapter na ito? Hindi ako nainform.
20151122;4:40
BINABASA MO ANG
My Demon Groom /Completed/
Vampire"You can run but always remember you can't ever hide" Highest rank: #2 in Vampire Category